Palaboy na aktor na si Soliman Cruz, tampok sa ‘mukha’

(Pang-masa) - September 15, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Madalas na nakikitang palabuy-laboy ang beteranong aktor na si Soliman Cruz sa Roxas Boulevard, kung saan din siya natutulog at minsa’y kinakausap pa ang kanyang sarili. Ano nga ba ang nagtulak sa aktor para magdesisyong mamalagi sa lansangan?

Alamin sa documentary program na Mukha na magsisimula nang umere sa ABS-CBN ngayong Lunes (Sept. 15), 11 p.m. pagkatapos ng Bandila. Sa programa, itinatampok ang iba’t ibang nakakaantig at nakakamanghang kwento ng mga tao at ang kanilang pagpupunyagi sa kabila ng mga pagsubok ng buhay.

Sa episode na isasalaysay ni Ron Cruz, ipapakita ang mga hamong pinagdaraanan ni Sol at ang kanyang mga karanasan sa kanyang bagong tahanan.

Matapos makilala sa pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros,  gumawa ng ilang hit teleserye ang aktor. Sa panahong ito, aminado siyang  nalulong siya sa bawal na gamot.

Ngayon, maghapong pagala-gala sa buong Maynila si Sol, ngunit bumabalik sa Roxas Boulevard kung saan siya natutulog at nagpapalipas ng magdamag. Paano nga ba natagpuan ni Sol ang kanyang sarili sa kanyang pagkawala?

Huwag palampasin ang Mukha mamaya pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

ALAMIN ANG PAGDADALAGA ANO BANDILA HUWAG MAXIMO OLIVEROS MUKHA RON CRUZ ROXAS BOULEVARD SOLIMAN CRUZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with