Nainggit kay Chiz?, P-Noy gusto na ring mag-asawa
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 10, 2014 - 12:00am

Salve A., wala na palang urungan ang pagiging best man ni President Noynoy Aquino kay Senator Chiz Escudero sa kanyang wedding to Heart Evangelista on February 15, next year.

As we all know by now, sa Balesin Island in Quezon pro­vince gaganapin ang kasal nina Senator Chiz at Heart.

Well, when will naman kaya siya kakausapin nina Ding­dong Dantes at Marian Rivera para maging part din ng kanilang entourage?

And guess what? Senator Chiz’ decision to give marriage another try (he was once married to the mother of his twin kids, Tintin Flores) must have rubbed on the President. Friends na pala sila when they were still both in Congress in 1998.

He might consider marriage din daw. Well, hopefully, anytime soon.

Maraming babaeng naugnay kay President Noy. Kabilang na sina Liz Uy, last, Grace Lee, a Korean, doing well sa Pilipinas as a TV host and commercial model, Bunny Calica, a school teacher and former Valenzuela Councilor, Shalani Soledad, now wife to Pasig Congressman Roman Romulo.

Wonder kung anong magiging comment ni Kris (Aquino, youngest sister ni PNoy) tungkol dito.

Vilma hangang-hanga kay Angel, Luis naturuan na ang GF na mag-host

Wow uli, Salve A., open na open si Batangas Go­vernor Vilma Santos-Recto sa kanyang admiration for her son Luis Manzano’s girlfriend, Angel Locsin.

Obvious na naging magandang bonding sa da­lawa ang recent na pag-participate ni Angel sa Alay-Lakad, which was on behalf ng mga out-of-school youth sa Batangas.

Bale ba, ayon kay Governor Vi, bukod sa nag-participate na nga sina Angel at Luis sa Alay Lakad, they also donated an undisclosed amount each sa taunang activity na ito ng kanyang pamahalaan.

Currently, busy si Angel sa kanyang hosting job in It’s Showtime. She will be guest host of the noontime show for eight days.

Compared noong una siyang lumabas bilang host ng programa, mas ’di hamak na improved na si Angel. Bale ba, superb ang kanyang pagiging bubbly. Feel na feel ’di lang ng live audience sa studio, kung hindi maging sa mga nanonood sa TV.

“Sobrang sexy at glowing din siya,” comment ng aming assis­t­ants na sina Inday Inggo at Helen Sumi­cao. “Maganda ang influence sa kanya ni Luis, as a TV host, lalo na.”

Kung sabagay, even with the glaring absence nina Vice Ganda (who is in Europe for a concert) at Billy Crawford and Coleen Garcia (for a reason which need not be explained pa), exciting pa rin ang prog­rama, which, aside from Angel, also include bilang hosts ang mga mainstay nito na sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Karylle, Eruption, and Jhong Hilario.

Jodi at Jolo nagkaayos na

In last Monday’s episode pala ng It’s Showtime, we had the chance na makausap abruptly si Jodi Sta. Maria, who, together with Pooh, was a member of the panel of judges sa ongoing talent contest ng noontime show.

And guess what? Obvious na kung totoo ngang nagkaproblema sila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa kanilang relasyon, this has obviously been ironed out.

In It’s Showtime, Jodi invited everyone to watch her soon-to-be released horror suspense flick, Maria Leonora Teresa, directed by Wenn Deramas.

Produced by Star Cinema, the film, co-starring her with Iza Calzado and Zanjoe Marudo, opens September 17 in theaters nationwide.

ALAY LAKAD ANGEL ANGEL LOCSIN ANNE CURTIS LUIS SALVE A SENATOR CHIZ SHOWTIME SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with