^

Pang Movies

Lovi magbabakasyon, iiwan muna si Rocco

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nawala raw sa frame si Lovi Poe sa eksenang sinampal siya ni Celeste Legaspi sa Ang Dalawang Mrs. Real, ibig sabihin wagas ang sampal ng mahusay na singer-actress kay Lovi, na sabi nga nito ay pinakamasakit nang sampal na natanggap niya.  Biruan nga raw tuloy, at least hindi siya nakatanggap ng 23 sampal ni Maricel Soriano na natanggap ni Ding­dong Dantes as Anthony sa drama series na malapit nang magwakas.

Kaya si Lovi, kapag natapos na raw niya ang soap, na magla-last taping day na next week, magbabakasyon daw muna siya. 

Inamin niyang napagod siya as Shiela, ang second wife sa story lalo na sa mga eksenang nakipagtarayan siya kay Maricel as Millet, ang original wife, nakatikim din siya ng sampal dito, sunud-sunod na pag-iyak at ngayon nga ang galit ni Celeste.  Hindi naman siya nagrereklamo dahil alam niyang kasama sa trabaho nilang mga artista ang mga ganoong eksena. Pero kuwento nga ng actress, may matitindi pa raw eksenang magaganap sa kanila ulit ni Maricel hanggang sa pagtatapos ng serye sa September 19.  Hindi pa sinabi ni Lovi kung saan siya magbabakasyon, pero hindi raw niya makakasama ang boyfriend na si Rocco Nacino dahil busy na ito sa pagti-taping ng Hiram na Alaala.

Bitoy ibinigay sa kasambahay ang napanalunan sa show ni Ogie

Very generous naman pala si Michael V. Nag-guest kasi siya sa best friend na si Ogie Alcasid sa morning game show nitong Let’s Ask Pilipinas ng TV5, kasama niya sina Earl Ignacio, Gelli de Belen, at Manny Castañeda.  Natalo ni Michael ang tatlo niyang kalaban at nanalo siya ng cash prize worth                      P 250,000.  Pero ang napanalunan niya ay ibinigay niyang lahat kay Yaya Roselyn, isa sa mga tinamaan ng bagyong Yolanda last year.  Matagal na raw nasa kanila si Yaya Roselyn na pinagkakatiwalaan ni Bitoy at ng kanyang pamilya sa mahusay na paglilingkod nito sa kanila.

StarStruck simula na ang registration

Magsisimula na ang original artista search ng GMA Network, ang StarStruck. Filipino nationals, dito sa bansa at abroad, aged 15 to 20 ang pwedeng sumali at tanghaling Ultimate Survivors (boy and girl).  Bukas, September 6, magsisimula na silang mamigay ng registration forms at 4:30 p.m. sa Souvenir Shop sa GMA Network Annex.  Wala pang requirements na dadalhin ang mga interesadong sumali.  Kasabay ding magkakaroon ng distribution of registration forms sa mga SM City malls in Batangas, Cebu, Bacolod, Naga, Cagayan de Oro, Pampanga, Iloilo, Davao at sa CSI Mall Atrium in Dagupan City.

Kapuso Primetime King Dingdong Dantes will host StarStruck VI simula sa January, 2015.

ASK PILIPINAS

BITOY

CELESTE LEGASPI

DAGUPAN CITY

EARL IGNACIO

KAPUSO PRIMETIME KING DINGDONG DANTES

LOVI

SIYA

YAYA ROSELYN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with