Finalists sa Himig Handog walang itatapon
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - September 4, 2014 - 12:00am

Mas matindi ang labanan ngayong taon ng Himig Handog Pinoy P-Pop Love Songs dahil mas malawak ang itatampok na mga genre ng mga awiting isinulat ng magkakahalong veteran at bagong songwriters.

Sa presscon nito, napakinggan namin ang mga awitin na in-interpret ng mga singer at lahat ay magaganda. Nagbabalik bilang unang Himig Handog interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldovino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan.

Sa ikaanim na taon, patuloy ang Himig Handog sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obrang tiyak na tatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon.

Ang 15 finalist songs ng Himig Handog ay eksklusibong mapapakinggan sa radyo at internet sa pamamagitan ng official FM station ng ABS-CBN na L MOR 101.9 For Life at sa MOR TV sa www.mor1019.com.

Tinanong namin si Michael Pangilinan na alaga ni Jobert Sucaldito kung ano ang pakiramdam ngayong first time siyang sasali sa Himig Handog kung saan makakasama pa ang mga batikang singers na sina Jed Madela, Bugoy, Jovit, Jessa, at Angeline Quinto.

 ‘‘Malaking karangalan po ‘to para sa akin at tanggapin kong malaking challenge ito sa aking singing career para lalo pang mahasa sa aking craft.’’

Dino hindi pa tapos ang problema kay Kim

Isang special episode sa Love Hotline ang ihahatid ngayong Biyernes na tatalakay sa dating mag-asawang Dino Guevarra at Kim delos Santos. Hindi pa rin tuluyang naka-move-on ang aktor sa pinagdaanan nilang kontrobersya ng dating asawa. Nakahanap na ng bagong pag-ibig si Dino kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak. Pero matapos ang sampung taong kahit napawalang bisa na ang kanilang kasal ni Kim ay hindi pa rin mapakasalan ni Dino ang bagong pag-ibig.

Samahan si Jean Garcia at love expert na si Aiza Tabayoyong sa pagbibigay ng linaw na isyu ngayong Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA 7.

AIZA TABAYOYONG ANGELINE QUINTO BIYERNES DANIEL PADILLA DINO DINO GUEVARRA FOR LIFE HIMIG HANDOG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with