Aktres nagpapabango na sa mga kababayan ni Luis? Angel kasali sa Alay Lakad ni Gov. Vi sa Batangas
Jun Nardo (Pang-masa) - September 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Suportado ni Angel Locsin ang magaganap na Alay Lakad sa Batangas province ngayong Biyernes. Sila ng boyfriend na si Luis Manzano ang mangunguna sa ilang libong taong maglalakad na ang be­neficiary ay ang out of school youth ng Batangas.

Yearly project ang Alay Lakad ni Governor Vilma Santos-Recto. Last year, si Dingdong Dantes naman ang sumuporta sa walk for a cause. In pre­vious years, naging bahagi rin ng project sina Manny Pacquiao at Senator Bong Revilla, Jr.

Aprubado naman ni Gov. Vi ang relasyon ng anak kay Angel. Sayang nga lang at hindi puwedeng magkasal si Gov. Vi. Sa Family Code kasi, bukod sa mga huwes at iba pang nakalista sa batas, hindi kasama ang governor na puwedeng magkasal kundi ang mayor lang.

Anyway, nasa Manila ngayong araw na ito si Gov. Vi. Hindi lang namin alam kung mauuna ang meeting niya with Star Cine­ma o ang pagdalo sa pagtitipon ng Eigenmann family para sa pagkamatay ni Mark Gil.

As we all know, isa si Mark sa mga favorite leading men ni Ate Vi. Memorable sa Star for All Seasons ang ginawa nilang Miss X sa Amsterdam at huli silang nagsama ng aktor sa The Healing.

Kaibigan din ni Gov. Vi ang kapatid ng yumaong aktor na sina Cherie Gil at Michael Eigenmann at ilang beses din niyang nakasama sa movie ang ina nilang si Rosemarie Gil.

“At least, he’s (Mark) at peace now with the Lord,” saad sa amin ni Gov. Vi sa phone na may lungkot sa tinig.

Sid wala sa bansa nang mamatay ang ama

Habang nasa Singapore ang kapatid na si Sid Lucero para sa taping ng GMA series na My Destiny, pinakansela naman ng manager ni Gabby Eigenmann na si Perry Lansingan ang taping ng alaga para sa afternoon series niya na Dading.

Eh, nu’ng mamatay ang ama niyang si Mark Gil last Monday, natiyempo naman na walang taping ang aktor. Kaya nasa death bed ng ama si Gabby.

Hindi na rin naman kasi nagkaroon ng burol para sa mga labi ni Mark. Eh, naka-schedule na ang biyahe sa Singapore ng tatlong main cast ng GMA program kaya gustuhin man ni Sid na bumalik uli ng bansa, hindi rin niya kayang gawin nang basta-basta.

For sure naman, maiintindihan ng Eigemann family ang pagtatrabaho ng isa sa anak ni Mark nu’ng sandaling mamatay siya.

Marian first time rarampang naka-panty lang, todo-diet na!

Malamang na huling rampa nang seksi ni Marian Rivera ang gagawin niya para sa Bench fashion show this month. Siyempre pa, ‘pag naging opisyal na siyang Mrs. Dingdong Dantes, may  limitations na rin sa pagpapaseksi niya.

This year ay naging opisyal na Bench model si Yan Yan. Gumawa talaga ng ingay ang billboards niyang nakabalandra sa EDSA, Guadalupe dahil sa sobrang seksi niyang pictorials, huh!

So bilang preparasyon, super diet ngayon si Marian. Kinakabahan at the same time ay excited siya dahil first time niyang rumampa sa Bench at naka-underwear lang, huh! Tiyak na isa siya sa artistang magmamarka sa rampahang ‘yon, huh!

Nakatakda ring makipagmiting sa GMA ni Marian para sa season two ng dance musical niyang Marian.

ALAY LAKAD ALL SEASONS ANGEL LOCSIN ATE VI BATANGAS CHERIE GIL DINGDONG DANTES GABBY EIGENMANN MARK GIL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with