Baka maunahan pang mag-propose si Luis Edu in love na rin, may-ari ng art gallery ang bagong karelasyon
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 2, 2014 - 12:00am

Guess what Edu Manzano has currently in common with eldest son, Luis (Manzano)?

Well, he, too, is reportedly in love. Just like Luis, na common knowledge na doing very well ang relasyon kay Angel Locsin.

Did we hear it right that in just a matter of time ay magpu-propose na ang binata ni Edu kay Angel?

In the case of Edu, heard na ang kanyang current ‘‘one and only’’ is an art gallery owner. Named Tina Fernandez, she is said to be the reason behind the success of Art Informal.

Edu was last linked to an executive of a top TV network.

Edu susunod na rin kina Aga at Eric?!

Did we hear it right also that as soon as Edu’s contract with TV5 expires, susunod na siya ginawa nina Aga Muhlach at Sharon Cuneta? And earlier ni Eric Quezon, who was director of the first and only successful drama series ng TV5, Babaeng Hampaslupa, top billed by Susan Roces?

Nasa Spain pala sa kasalukuyan ang owner ng TV5 na si Manny V. Pangilinan (MVP to you and me), dahil sa nag-attend siya ng laban ng Gilas Pilipinas.

Hindi pa alam kung kelan siya babalik.

Kahit inilihim, mga dating katrabaho ni Mark may alam sa sakit ng aktor na cirrhosis

Now it can be told na totoo pala ang bulung-bulungan na may sakit na malubha ang aktor na si Mark Gil.

Cirrhosis of the liver daw ang ikinamatay ng magaling na aktor, whose last appearance was in the TV series, The Legal Wife, where he played ideal stepdad to Angel Locsin.

Bagama’t sa kanyang mga co-star ay inilihim ni Mark ang kanyang malubhang sakit, they all appeared aware of it.

The cast of The Legal Wife included, aside from Mark and Angel, Christoper de Leon, Maja Salvador, Jericho Rosales, Joem Bascom, among others.

Boyet (pet name ni Christopher) would receive the report later na me cancer din ang kanyang anak na si Miguel. Testicular cancer naman.

Unlike cirrhosis of the liver however, curable ang testicular cancer. Kaya, the happy news is that, magaling na si Miguel, who was confined in a hospital in the U.S.

For sometime, in denial, laluna ang mga malalapit kay Mark, sa tunay na kalagayan ng aktor. Kahit na, after The Legal Wife, not much was being heard about him.

Youngest child siya ng mga dating actor na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, na parehong nasa U.S. na ngayon.

Mark’s older siblings, na pareho ring nasa showbiz, are Michael de Mesa at Cherrie Gil.

Kris namangha sa kagandahan ni Vickie

Well, at least Salve A., hindi inilihim ni Jason Abalos na second-hand car ang regalong ibi­ni­gay niya sa girlfriend na si Vickie Rushton, who emer­ged third runner-up sa katatapos na Pinoy Big Bro­ther (PBB) All In.

Kung sabagay, whether bago or second hand ang kotseng bigay, tatanggapin ito basta in good running condition, ‘di ba, Salve A.?

Now, ang tanong. Since nasisiguro ni Jason na Vickie will soon join him sa show­biz, will her first project kaya pair her with him?

Impressed si Kris Aquino sa beauty ni Vickie. In fact, when she recently interviewed her, her comment is that the came­ras does not do justice to how Vickie really looks in person.

 

AGA MUHLACH ALL IN ANGEL LOCSIN ART INFORMAL BABAENG HAMPASLUPA EDU LEGAL WIFE SALVE A VICKIE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with