^

Sharon suwerteng pinakawalan ng Kapatid Network kahit hindi pa tapos ang kontrata

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 31, 2014 - 12:00am

Mabilis na kumalat ang posts ni Sharon Cuneta sa kanyang social networking account na nagsasabing “umalis na siya sa TV5”. Wala nang binanggit na ano pa man si Sharon maliban sa wala na nga siya sa Kapatid Network. Tatlong shows ang nagawa ni Sharon sa network. Una iyong kanyang talk show, tapos isang sitcom, tapos isang musical show. May sinasabi pang isang serye na dapat ay gagawin niyang kasama si Richard Gomez, pero wala na ngang balita kung natuloy pa ba iyon o hindi na. Basta ngayon, makalipas ang mahigit na dalawang taon din, umalis na rin siya sa network. Dapat ay tumagal nang limang taon ang kanyang kontrata, pero kapwa nga ang desisyon niya at ng network na mas maganda ngang putulin na iyon.

Makalipas lamang ang ilang oras ay may lumabas na rin namang announcement ang TV5 na nagpapasalamat kay Sharon na nakasama nila nang ilang panahon din, at nagsabi silang naghahangad silang magtagumpay ang Megastar kung ano man ang mga proyektong gagawin noon sa mga kasunod na araw.

Matagal na naming naririnig iyang negosasyon para nga ipawalang bisa na ang kontrobersiyal na isang bilyong kontrata ni Sharon sa Kapatid Network. May isa kaming informed source na nagsabi noon pa mang ilang buwan na ang nakararaan na nakikipag-usap na ang mga abugado ni Sharon sa network para nga sa pagpapawalang bisa ng kanyang kontrata.

Pero ano man ang naging deal para makaalis si Sharon sa TV5 ay wala na tayong pakialam pa. Basta nagkasundo sila nang maayos at maayos ang kanilang paghihiwalay. Wala pa namang sinabi si Sharon kung saan siya lilipat. Wala pa rin siyang sinabi kung anong proyekto ang susunod niyang gagawin. Basta ang sabi lang niya, may gagawin siyang bagong proyekto “sooner than expected”.

Richard ayaw nang rumampa ng naka-underwear

Napansin lang namin, noong magkaroon ng press at trade pre­view ang Bench para sa kani­lang nalalapit na denim and un­­derwear show, iyong The Naked Truth, na gagawin sa MOA Arena sa September 19, ang isa sa mga pinalakpakan ng mga tao ay ang actor na si Dominic Roque. Siyempre ang nakatang­gap naman ng malakas na applause at walang dudang masasabi mong star of the night ay si Tom Rodriguez. Pero halata mo ring marami ang nag-aabang kay Markki Stroem. Siguro nga dahil iyon sa napaka-daring na mga pictorials ni Markki para sa show na iyon na nauna nang naglabasan sa social media.

Kung titingnan mo naman kasi ang lahat ng mga pictures, si Markki talaga ang pinaka-daring, lalo na sa lumabas nilang poster na wala siyang suot kung ‘di isang maskara.

Aminado ang Bench, malakas ang follo­wing ng kanilang mga shows noong nagdaang panahon, at talagang naghihirap sila para ma­pan­tayan man lamang ang tagumpay ng mga iyon. Napansin din namin, hindi nababanggit ang pangalan ng dati ay siyang laging star ng kanilang shows at una nilang endorser na si Richard Gomez. Mukhang gusto na nga ya­ta niyang mag-retire sa ganyang linya. Pero ang totoo, si Goma ang nagpasimula ng lahat ng iyan. Ang nandoon ay si Congresswoman Lucy Torres-Gomez, dahil sa kanyang kam­panyang magbigay ng bangka sa mga mangi­ngisda ng Ormoc na nawalan ng bangkang pa­ngisda noong kasagsagan ng bagyong Yo­landa.

CONGRESSWOMAN LUCY TORRES-GOMEZ DOMINIC ROQUE KAPATID NETWORK MARKKI PERO RICHARD GOMEZ SHY WALA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with