Diana ipinagpalit ang asawa kay Dominic
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - August 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Iniwan ang asawa para sa mas batang karelasyon ang karakter na gagampanan ni Diana Zubiri, kasama sina Alan Paule at Dominic Roque, sa Akin Ang Asawa Ko episode ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado (Agosto 30) upang talakayin ang kaso ng adultery o pangangaliwa.

Maswerte si Marjorie (Diana) sa asawang si Frank (Alan) dahil mapagmahal ito at masipag. Ngunit imbes na magpasalamat ay hindi siya nakuntento sa kanilang pagsasama dahil nakukulangan siya sa oras na ibinibigay ni Frank na palaging subsob sa trabaho.

Hanggang isang araw ay nagulat na lamang si Frank dahil iniwan na siya ni Marj. Agad siyang nagtungo sa Maynila upang hanapin ang asawa. Gumuho ang mundo niya nang madiskubreng may kinakasama na palang mas batang lalaki si Marj sa katauhan ni Archie (Dominic). Dahil dito ay nagsampa ng kasong adultery si Frank laban kay Marj at Archie.

Ano ang naging hatol ng korte sa kaso? Pareho bang nagbayad sa batas sina Marj at Archie dahil sa kanilang ipinagbabawal na relasyon? Paano muling nagsimula si Frank matapos mabigo sa pag-ibig?

AGOSTO AKIN ANG ASAWA KO ALAN PAULE ANO DAHIL DIANA ZUBIRI DOMINIC DOMINIC ROQUE IPAGLABAN MO MARJ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with