Angel balik hosting matapos mamahinga kasama si Luis
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 28, 2014 - 12:00am

Excited na si Angel Locsin dahil balik ito sa kanyang hosting job sa It’s Showtime.

Nagpahinga muna ang aktres ng ilang buwan para ma-enjoy ang pribadong buhay kasama ang pamilya at si Luis Manzano pagkatapos ng The Legal Wife.

Sampung araw na mananatili si Angel sa It’s Showtime ngayong September.

Sinabi ni Reily Santiago, business unit head ng programa na gusto nilang magsimula na si Angel sa Sept. 3 kaya lang nagkaroon ito ng prior commitment kung saan sa September 4 ay sasama ito sa Alay Lakad sa Batangas na in-organize ng kanyang future mother-in-law na si Gov. Vilma Santos Recto.

Kris hiwalay na sa BF

Kinumpirma ni Kris Bernal na hiwalay na sila ng boyfriend na si Carl Guevarra. Ayon dito, hindi nag-work ang kanilang relasyon dahil kahit mumunting bagay ay hindi nila mapagkasunduan.

Pero inamin ni Kris na mabait naman si Carl kaya lang hindi sila para sa isa’t isa. May mabuti naman silang pinagsamahan kaya kahit hiwalay na ay mananatili naman silang mabu­ting magkaibigan.

Celebrity hour, dinarayo na

Punumpuno ng guests ang Celebrity Hour tuwing Sabado kung saan enjoy ang lahat sa talakayan ng mga paksa dahil makabuluhan ang mga ito. Ilan sa mga guests noong nakaraan linggo ay ang dating congressman at TESDA director na si Cong. Buboy Syjuco. Naging panauhin din ang magagandang dilag ng Bb. Waterlily Beauty Pageant na proyekto ni Sen. Cynthia Villar na nagbibigay halaga sa halamang waterlily na nakatutulong sa livehood ni Dr. Emely Sevilla ng Vine Holistic Medical Aesthetics, Wellness WPA and Dental Care.

Ang Celebrity Hour ay prodyus ni Danny Atienza na abala na rin sa pagpoprodyus ng TV at pelikula kasama si Eloy Padua. Ang Celebrity Hour ay hosted ng inyong lingkod kasama si Juvy de Guzman ng DWBL directed by Nardz Belen.

Doble kara sa love hotline

Kuwento ito ng pag-ibig ni Regine Ersorena na nahulog ang loob kay Kell Mutuc ang bestfriend ng kanyang gay bestfriend na si Krystal. Inilihim nina Regina at Kell ang kanilang relasyon kay Krystal pero nabuko rin ito nang minsang maabutan ang dalawa sa mismong bahay nito.

Bibigyan payo ang problemang ito nina Jean Garcia at love expert na si Aiza Tabayoyong ngayong Biyernes sa Love Hotline, ika- 4:15 ng hapon.

AIZA TABAYOYONG ALAY LAKAD ANG CELEBRITY HOUR ANGEL LOCSIN BUBOY SYJUCO CARL GUEVARRA CELEBRITY HOUR CYNTHIA VILLAR DANNY ATIENZA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with