^

Pang Movies

Herbert habulin ng babae noon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masaya ang get together na ipinatawag ni Mayor Herbert Bautista. Malinaw naman ang sinabi ni Mayor Bistek, hindi iyon isang press conference, hindi iyon dahil sa pulitika, hindi rin iyon dahil sa ilang issues na kanyang kinasangkutan kung ‘di dahil gusto lamang niyang makita at makasama kahit na sandali ang mga kaibigan niya sa movie press na kasama niya simula sa pagkabata. Nagsimula si Mayor Bistek noong bata pa siya sa Kaluskos Musmos, hanggang sa mas makilala nga siya at sumikat bilang si Rene Boy sa Flor de Luna. Mas lalo pa nga siyang sumikat noong makasama siya sa Bagets, at hindi maikakailang nakilala nga siya bilang Bistek sa isang long running sitcom na bida rin si Vic Sotto, iyong 2 + 2. Simula noon, hindi na naalis sa kanya iyong tawag na Bistek na akala mo iyon na ang nickname niya.

Noong araw na pare-pareho naman kaming hindi masyadong busy, halos araw-araw kakuwentuhan namin iyang si Mayor Bistek, kaso pumasok na nga siya sa pulitika at naging busy na. Kami rin naman nagkaroon na ng ibang mga trabaho na hindi na related sa pelikula at entertainment kagaya noong araw, kaya bihira na rin ka­ming magkita.

Pero natawa na lang kami nang may mag­tanong sa kanya tungkol sa kanyang love life, at itinuturo niya kaming naka­kaalam daw ng lahat ng mga nangyari sa kanyang love life simula noong araw. Medyo totoo rin naman iyon. At naalala nga namin ang isang female star noon na talagang inaway ang isa pang artistang babae dahil lamang sa crush niya si Mayor Bistek at medyo insecure siya roon sa isa. May isang babae ring saksakan ng yaman noong araw na may crush kay Mayor, pero hindi niya pinatos iyon eh. Hanggang sa magkaroon siya ng mga anak, alam namin ang kuwento.

Pero hindi lang pribadong buhay ang pinag-uusapan namin, mas madalas nga pulitika at saka mahilig din kasi sa history si Mayor, at iyon ang madalas na­ming pagkuwentuhan dahil sa malawak na­ming research sa kasaysayan ng Pilipinas. Kaya nga alam namin kung sinu-sino talaga ang mga taksil sa bayan.

Isa iyang si Mayor Bistek sa mga na­ging kaibigan namin sa show business, at hanggang ngayon ay kaibigan pa rin. Actually, doon sa kanilang grupo noon, masasabi na­ming ang talagang naging mga kaibigan lang naming matatawag ay si Mayor Bistek, si Aga Muhlach, at si Francis Magalona, iyong iba, kakilala lang.

Nakapag-usap pa rin kami tungkol sa pulitika kahit na sandali, hindi na yata namin maiiwasan iyon. Marami nga raw offers sa kanya, pero ang balak niya ay tumakbo pang mayor ulit sa Quezon City dahil may isa pa siyang term at gusto niyang mapaglingkuran pa ang lunsod.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BISTEK

FRANCIS MAGALONA

IYON

MAYOR

MAYOR BISTEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with