Halos isang taon nang hiwalay: Jennylyn may hinanakit pa rin kay Luis
- Vinia Vivar (Pang-masa) - August 10, 2014 - 12:00am

Natuwa si Jennylyn Mercado nang sabihin namin sa kanyang bagay sila ni Derek Ramsay, ang leading man niya sa pelikulang English Only, Please na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

First time makatrabaho ni Jen si Derek at aniya, okay naman daw ang aktor.

“Mabait si Derek,” say ni Jen nang makausap namin sa contract signing ng bago niyang ini-endorsong ZH&K mobile phones. “Very professional.”

Wala silang naging ilangan?

“Wala. First day pa lang namin, nanloko agad ako sa kanya. Niloko ko siya, mayroon kaming parang screen test sa first day namin. So, niloloko ko siya. Sabi ko, “alam mo, okay lang, huwag kang mahiyang lumapit sa akin”, ginaganun ko siya. Tapos siya, tumatawa-tawa lang.

“Binibiro-biro ko lang para maging comfortable siya sa shooting.”

Nakaka-four days pa nga lang sila ng shooting pero enjoy daw siya dahil ang saya raw ng atmosphere sa set.

“First time akong nakagawa ng movie na bukod sa ang saya ng script, ang saya ng istorya, masaya ‘yung buong production, magaan, kasi alam mo ‘yun, puro fresh, puro young, walang sumisigaw, walang nagagalit, tapos lahat ng eksena, nagtatawanan lang kami. ‘Yung akong-ako, ganu’n lang. Hindi ko kailangang umarte,” kwento ni Jen.

When asked kung may love scenes ba sila rito, say ni Jen ay wala raw kaya takang-taka ang lahat since halos lahat ng pelikula ni Derek ay may mga daring scenes siya sa leading lady.

“At least, para maiba-iba naman,” natatawang say ni Jen.

Comedy raw kasi ang genre ng movie kaya si­guro walang love scenes.

Anyway, natanong din kay Jen ang walang kamatayang tsismis sa kanila ni Dennis Trillo. Ang tsika na naman ay nagkabalikan sila na paulit-ulit na lang natsitsismis.

Ayon kay Jen, hindi nga rin daw niya alam kung bakit ayaw tumigil ng tsismis. Okay naman daw sila ni Dennis at magkaibigan na ulit pagkatapos ng hindi magandang nangyari sa kanilang dalawa.

“Magkaibigan kami nu’n. Si­guro enough na ‘yun para matigil na ‘yung...ayoko na ng may samaan ng loob, eh. I mean, tapos na naman ‘yung mga nangyari. Ang importante ngayon, lahat ng mga ano, okay na,” saad ni Jen.

Okay na rin nga raw sila ng ama ng anak niyang si Alex Jazz na si Patrick Garcia at kung iimbitahan nga raw siya sa nalalapit na kasal nito ay pupunta siya.

Pati ba sila ni Luis Manzano (her last boyfriend), okay na?

“Hindi pa,” maikling sagot ni Jen.

Halos isang taon na rin daw silang hiwalay ni Luis at ngayon ay masasabi na niyang naka-move on na siya completely.

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay ready na siya na pumasok ulit sa isang relasyon. Enjoy daw siya sa buhay niya ngayon bilang single at ang tanging inaasikaso lang ay ang career at anak na si Jazz.

Samantala, after Rhodora X ay may bago nang serye si Jen sa GMA 7, ang Second Chances kasama sina Raymart Santiago, Luis Alandy, Rafael Rosell, and Camille Prats. Love story naman daw ito at next week na sila magsisimula ng taping.

ALEX JAZZ CAMILLE PRATS DAW DENNIS TRILLO DEREK JEN LANG SILA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with