^

Iza ayaw magreklamo kahit tinalbugan ang pangalan ni Carla

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 9, 2014 - 12:00am

Happy and thankful si Iza Calzado kina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pagsi-celebrate niya ng kanyang birthday sa presscon nang hindi na niya mabilang na movies na ginawa niya sa Regal Entertainment, ang Somebody to Love.

Pero ang birthday niya ay sa Tuesday pa, August 12, kasabay din niyang magbi-birthday sina Marian Rivera at Aga Muhlach.  

Birthday wish lamang ni Iza ay magtuluy-tuloy ang projects niya, pero gusto rin niyang makapagbakasyon kahit daw two weeks or one month, para naman makapahinga siya at makapag-bonding with boyfriend Ben Wintler na naka-base sa Hong Kong. Pero ito raw ang pag-iisipan pa nila ng manager niyang si Noel Ferrer, kung kailan siya malilibre sa work niya.

“Sa ngayon kasi, focused ako sa pagpu-promote ng Somebody to Love dahil showing na kami sa August 20,” sabi ni Iza.  “Kailangan kasing malaman ng mga tao na ako si Marga Castro sa story, a TV host na so sweet sa TV but very bitchy off-camera. Kahit ang love life niya, ginagamit ni Marga para lamang siya mapag-usapan.

“Ayaw kong gumaya sa taong ganito, nag-depend lamang ako sa kung ano ang sinasabi sa script at sa pagdidirek din ni Joey Reyes. Gusto kong magmarka sa mga manonood ang character ni Marga Castro na may pagkabaliw, walang alam mahalin kundi ang sarili lamang niya,” kuwento ni Iza.

May problema nga ba siya sa billing ng Somebody To Love?

“Kung may problema ako, wala siguro ako rito ngayon.  Bago ko tinanggap ang movie, ipinaliwanag na ni Roselle na since si Carla Abellana ay contract star ng Regal, siya ang nasa top billing. Hindi problema sa akin ang billing, kung minsan nga, wala ang name ko sa poster o mababa rin ang billing ko, hindi ako nagrereklamo. Basta tinanggap ko ang project, inaayos ko lamang ang acting ko, at siguro naman matatandaan ng mga manonood ang role ko, kahit wala ako sa billing. Tama na sa akin na after ng name ng lead star, mayroon naman akong “and” sa name ko.

“But I’m thankful and so blessed dahil sunud-sunod nga ang projects ko at sa August 13, showing na rin ang isa ko pang movie, ang Barber’s Tales (ni Eugene Domingo, directed by Jun Robles Lana.)”

Raffy at Mariz hindi pa rin nagkakaanak

From friends to lovers ang love story ng mga broadcast journalists na sina Raffy Tima at Mariz Umali.  

Mamaya, at 7:00 p.m., gagampanan nina JC Tiuseco at Bettina Carlos ang love story nina Raffy at Mariz na naging friends muna for ten years bago na-realize ni Mariz na si Raffy na ang lalaking mamahalin niya, who stands by her side sa kanyang career at sa personal niyang buhay.

Ilang taon na ring kasal ang dalawang broadcaster pero wala pa silang anak. Naikuwento ni Mariz noon na hindi sila pwedeng mag-anak pa ni Raffy nang sa isang coverage niya sa isang issue sa malayong lugar, kinailangan niyang magpa-vaccine ng anti-malaria.  Hindi pala pwedeng magbuntis ang babae for one year after the vaccination. Pero ngayon, ready na sila ni Raffy na magkaroon ng baby.

AGA MUHLACH IZA MARGA CASTRO MARIZ NIYA PERO RAFFY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with