_pang-masa
^

Pang Movies

Parang asawa rin ang pakiramdam sa love scen mundo ni JC pinagaan ni Erich

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay JC de Vera, hindi raw sila nagkaila­ngan ni Erich Gonzalez kahit sa first time nilang pagtatambal sa Once a Princess. In fact, unang eksena nga raw nila ay love scene agad at kung tutuusin ay mahirap daw ‘yun kapag hindi pa kayo nagkasama before.

 “Pero ang nangyari du’n sa scene, napagaan pa namin ang loob ng isa’t isa, and it turned out na wow, para kaming mag-asawa talaga,” kwento ni JC.

Humahanga nga ang aktor kay Erich dahil ito pa mismo ang nag-approach sa kanya sa set at inalok siya ng food.

 “So, sabay kaming kumain, we talked and nagpakilala kami sa isa’t isa. Ang sarap lang ng feeling na may ganu’n kang katrabaho, pinapagaan niya ang mundo mo sa set, hindi ka nakakaramdam ng kahit anon’g pressure. So, very lucky ako na nakasama ko si Erich, walang bola ‘yun, ha,” he said.

Very thankful nga si JC sa mga ibinibigay na project sa kanya ng ABS-CBN at talagang nag-boom ang career niya rito. Pero hindi naman niya iniisip na network lang ang dahilan kung bakit maganda ang career niya ngayon.

 “Lahat naman ng network, naging very generous naman in giving wonderful projects (to me). Siguro, nagkataon lang ngayon na napakaganda ng pag-transfer ko, ‘yun nga, nasagot ang prayer ko na sana, magkaroon ako ng magandang project and nung nag-transfer ako, nilagay nila ako sa The Legal Wife which turned out na ‘yun pala ‘yung no. 1 teleserye of all time. Kung baga, sobrang taas ng ratings niya and very grateful ako do’n. Maganda, maganda lang ang timing ni Lord sa akin,” say pa ang nanalong Male Emerging Star of the Year sa 2014 Yahoo Celebrity Awards.

Coco pag-aagawan nina KC at Kim

Ini-reveal na ng Dreamscape Productions kung ano ang magiging role ni KC Concepcion sa book 2 ng Ikaw Lamang. Gagampanan niya ang papel na Nathalia na panganay na anak nina Isabelle (Kim Chiu) at Franco (Jake Cuenca).

Bale nasa panahon na natin ngayon ang book 2 ng Ikaw Lamang kaya malalaki na ang mga anak nina Coco Martin (as Samuel), Julia Montes (as Mona), Kim and Jake.

Kasama pa rin of course si Coco sa book 2 at gagampanan niya ang role ni Gabriel, ang anak nina Samuel at Mona. Habang si Kim naman ay gagampanan ang role na Andrea na bunsong anak nina Franco and Isabelle.

Si KC ang magiging ka-love-triangle nina Coco and Kim at kung paano mag-aagawan sa isang lalaki ang magkapatid (Nathalia and Andrea), ‘yan ang dapat abangan.

Kim galit sa katamaran ni Joshua

Umani ng katakut-takot na reaksyon ang tweet ni Kim Chiu kung saan ay tinawag niyang tamad ang isang Pinoy Big Brother All In housemate.

 “watched pbb! haha #affected may isang guy super not deserving to be part ng big4.. as in!!! tamad feeler and makatwiran sa sarili is,” tweet ni Kim na sa dulo ay may thumbs down icon pa.

Kanya-kanyang hula ang mga followers niya at marami ang nagsabi na si Joshua Garcia raw ang tinutukoy ni Kim.

Sa rami ng reactions ay nag-trending pa ang tweet na ito ni Kim. Pero siyempre, hindi lahat ay positibo ang comment at mayroon ding negatibo. May nagsabing pasarkastiko na ang perfect naman daw ni Kim.

Sumagot naman ang young actress at sinabing “kaya nga sabi ko po, just my opinion, no harm, peace.”

COCO AND KIM COCO MARTIN DREAMSCAPE PRODUCTIONS IKAW LAMANG KIM KIM CHIU NIYA PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with