Gob. Vi nahihirapang tanggapin ang nangyari sa confidanteng inatake
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 26, 2014 - 12:00am

Magkasunod lang kami nang dating ni Governor Vilma Santos sa huling gabi ng wake ng kanyang confidante na si Aida Fandialan. Pagkakita sa amin ni Ate Vi, yumakap siya at alam naming umiiyak na. Alam namin masakit sa kanya talaga ang nangyari, isipin naman ninyong 35 taon na silang magkasama araw-araw.

Pagkatapos ng misa, na ayon nga sa pari ay si Ate Vi mismo ang nag-arrange, nagkaroon din ng isang maikling necrological service, kung saan nagsalita ang mga naroroon, kabilang na si Ate Vi tungkol sa naging kaugnayan ni Aida sa buhay nila. Hindi talaga mapigilan ni Ate Vi ang umiyak habang nagsasalita. Inamin din naman niya na kung minsan ay nag-aaway din sila ni Aida. Totoo kasing masungit din iyon, matandang dalaga nga kasi, pero inamin niyang mahihirapan siya sa kanyang buhay ngayong wala na si Aida.

Noong matapos na ang lahat at makaalis na rin ang iba pang nakiramay, umupo sa tabi namin si Ate Vi at nakipagkuwentuhan na. Sinabi niyang nabigla siya sa nangyari, dahil bago pala inatake si Aida, nag-text pa ito sa kanya. Nagkukuwento na ipinalilinis na niya ang buong paligid ng bahay dahil ang dami ngang nagbagsakang puno dahil sa bagyo. Nagkuwento pa raw si Aida na nangangantiyaw ang iba nilang kasama sa bahay na magpa-merienda siya ng hamburger, pero dahil delikado nga sa kalye at walang madaanan halos bunga ng nagbagsakang puno, sinabi raw noon na nagpaluto na lang siya ng champorado. “Ganoon siya ka-detalye kung magkuwento sa text,” sabi ni Ate Vi.

Natawa pa nga kami noong ikunuwento ng Gobernadora na nai-text pa raw sa kanya ang sinabi namin sa aming column dito sa PM (Pang-Masa) tungkol sa kanya, habang siya ay nasa London dahil naghahanap nga sila ng school na mapapasukan doon ni Ryan. Natawa kami dahil talagang detalyado ang text, halos nga isinalin sa text iyong aming column.

Sabi ni Ate Vi, iyon ang mga bagay na mami-miss niya ngayong wala na si Aida.

Hindi pa nga sigurado si Ate Vi ngayon kung kukuha na ba siya ng bagong accountant at personal secretary, dahil dati ang lahat ng mga bagay na iyon ay ginagawa ng kanyang confidante. Hindi naman daw siguro mahihirapan ang magiging accountant niya dahil nasa ayos naman ang lahat ng records ni Aida at laging prepared iyon sa mga ganoong bagay. Every now and then, tinitingnan niya ang mga iyon. Siguro, ang mahihirapan ay ang kanyang personal secretary dahil napakarami niyang schedules.

Habang nag-uusap kami, lumapit naman si Vice Governor Mark Leviste para magpaalam. Nagbigay naman ng instructions si Ate Vi sa mga bagay na kailangang gawin. Ipinapa-cancel niya ang iba nilang schedules sa kapitolyo, dahil sinasabi niyang gusto niyang mapuntahan at makita nang personal ang mga nasira ng bagyong Glenda sa kanilang bayan. Gusto rin niyang malaman kung ano ang immediate help na kailangan nilang ibigay, bukod doon sa mga relief goods.

Tapos may lumapit na naman kay Ate Vi, na nagri-remind sa kanya tungkol sa dapat na meeting niya sa isang film producer, na ipina-cancel muna niya kasi nga kasabay iyon ng libing ni Aida.

Kung titingnan mo, tama ang sinasabi niya. Mahihirapan ang isang personal secretary lamang dahil sa kanyang schedules. Gobernador siya ng probinsiya at maraming trabaho roon, artista pa siya na pinipilit din ng mga producers na gumawa naman ng pelikula dahil iilan na lang naman silang artista na siguradong kikita ang pelikula.

AIDA ATE ATE VI DAHIL NAMAN NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with