Player nagpe-presyo na!
Jun Nardo (Pang-masa) - July 22, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakakatawa ang kuwento ng isang player nang tanungin ng isang bading kung nagpapahada. Hindi masyadong kaguwapuhan ang manlalaro pero magaling kung sa magaling.

Eh, nang tanungin ng bugaling (bugaw) ang player, aba, nagpapresyo pa raw siya, huh! Can afford naman ang beki pero siyempre, eklat lang niya na hahadahin niya ang player.

Shocked lang daw ang bading dahil may presyo ang player, huh!

Confidante ni Ate Vi massive stroke ang ikinamatay

Massive stroke raw ang ikinamatay ni Ate Aida Fandialan, accountant ni Governor Vilma-Santos bago pa man pumasok sa pulitika ang Star For All Seasons. Itinakbo pa siya sa Asian Hospital pero binawian na rin ng buhay.

Maraming taon ding nagsilbi si Ate Aida kay Gov. Vi. Siya ang tumulong upang ayusin ang kanyang finances nu’ng time na problemado ang aktres sa pera. Naging malapit din siya kay Aga Muhlach dahil tinulungan din nitong ayusin ang mga datung ng aktor.

Kagagaling lang ni Gov. Vi at ng pamilya sa London bago mamatay si Ate Aida. Naghanap kasi sila ng school doon na papasukan ng anak na si Ryan Christian. Nagpasalamat si Gov. Vi through text bilang pakikiramay namin. Siguradong hindi pa siya maka-get over sa sinapit ni Ate Aida na nagsilbing confidante na rin niya.

Hindi man showbiz na showbiz ang dating, hindi maipagkakaila na parte na rin ng pamilya ang yumaong kaibigan. Nasa Loyola, Sucat ang labi ni Ate Aida at sa July 24 ang nakatakdang libing.

Ang aming pakikiramay sa naulila ni Ate Aida mula sa Star Group of Publications…

(Pakikiramay po sa pamilya ni Ate Aida na siyang nagpapasalamat sa tuwing may sinusulat tungkol kay Gov. Vi. – SVA)

Miss Nigeria ng super sireyna, babalik na ng London

Tinanghal si Miss Sahhara ng Nigeria bilang kauna-unahang Miss Super Sireyna Worldwide na ginanap nu’ng Sabado sa Eat Bulaga.

Makabagbag-damdamin din ang kuwento ni Miss Nigeria na mula sa kanyang bansa ay pumunta sa United Kingdom upang doon mag-aral at maging mujerista.

Isa kasing krimen sa kanilang bansa ang maging bading. Pinapapatay daw ang bading doon maging ang mga ka-associate niya ayon sa kanya nang nagbigay ng production number ka­hapon sa Bulaga.

Sa pamamagitan ng mga contact sa Thailand, nabuo nga ang kalahok sa Super Sireyna Worldwide.  Pinamasahehan sila ng TAPE, Inc. at itinira sa isang hotel dito.

Nakagawa na ng history ang Bulaga sa nasabing contest na nilahukan ng mga transsexual mula sa iba’t ibang bansa. Pero sa panig ni Miss Sahhara, isang history din ang nagawa niya sa sarili dahil first time niyang sumali sa TV sa ganung patimpalak.

Lalong sumigla ang buhay ni Miss Nigeria dahil sa mainit na pagtanggap ng ating kababayan sa panalo niya.  Babalik na siya sa London ngayong Sabado dala-dala ang korona at USD10,000.00, huh!

Mga taga-bulaga nakipagtsikahan sa mga sikat na NBA players

Na-miss ni Pauleen Luna ang pagdating ng NBA All-Star players sa Eat Bulaga kahapon. Nasa taping kasi siya ng My Destiny eh, guest lang pala siya sa GMA series kaya naman hindi siya puwedeng mag-absent..

Kung napigilan ng mga sikyu ng players ang audience na makalapit sa stage, puwes, hindi ang mga Bulaga host na malayang nakapagpakuha ng pictures sa manlalaro lalo na kay Lenard na tinanghal na Most Valuable Player sa nakaraang NBA season, huh!

Teritoryo nga naman nila ang Broadway Centrum kaya hindi sila napigilan ng mahigipit na security guards na Pinoy ng mga sikat na basketbolista. Maging ang fotog na dala ni Joey de Leon, malayang nakakakuha ng pictures ng players na gagamitin ng host sa column niya sa Philippine Star.

Eh in fairness, mababait naman ang NBA players. Very accommodating     silang lahat at walang nagsuplado, huh!

Maitatala na naman sa history ng Bulaga ang pagbisita sa show ng sikat na NBA players. Ang PLDT ang may pakulo nang pagpunta nila at magkakaroon sila ng exhibition game tonight at bukas kalaban ang koponan nating Gilas Pilipinas.

 

AGA MUHLACH AIDA ATE ATE AIDA BULAGA EAT BULAGA MISS NIGERIA MISS SAHHARA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with