Gov. Vi expert sa pangde-dedma
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 13, 2014 - 12:00am

Sabi nila, talaga raw magaling “mangdedma” si Governor Vilma Santos. Isipin mo nga raw, sa halip na sagutin ang sinasabi ng kanyang mga ba­shers, “dedma” lang ang kanyang ginawa. “Dedma” rin daw si Governor Vi sa kaso ng kanyang “kumare” na si Nora Aunor, at may nagsasabi pang kasi nga isa ring government official, baka natatakot na mapagbalingan din ng presidente.

 Palagay namin hindi dapat na matawag na “dedma” o pagpapatay-malisya ang lahat ng iyan. Pero bakit naman siya makikialam sa mga bagay na hindi naman ganoon kahalaga sa kanya? Bakit siya makikisawsaw sa mga bagay na hindi naman niya dapat pinapansin? Marami siyang kailangang asikasuhin sa kanyang opisina sa kapitolyo ng Batangas. Alalahanin ninyo, siya ang gobernador at lahat ng mga proyekto ay kailangan ng kanyang supervision. Nga­yon nga kailangan pa niyang “mag-time out” ng ilang araw dahil aayusin niya ang pag-aaral naman ng kanyang anak na si Ryan sa abroad. Sinasabi naman ni Ate Vi, sa ngayon priority niya na matapos ang lahat ng mga proyekto sa Batangas. Second priority para sa kanya na mailagay lagi sa ayos ang kanyang pamilya. Third priority lang sa kanya ngayon ang show business, at wala naman sa priority list niya iyang pansinin pa iyang kanyang mga bashers.

Maski naman iyong mga nasa media na nagsasabi nang ganyan, pag-aralan ninyo, sila naman iyong mga media bashers talaga ni Governor Vi noong araw pa man. Bakit nga ba kailangang pansinin eh ano man ang gawin mo, hahanapan ka pa rin nila ng mali. Iyong mga hindi naman issue, pinalalaki nila.

Kung pag-aaralan ding mabuti, isa iyang ploy para mabuhay ang isang matanda nang kumpetisyon na hindi na dapat pansinin dahil sa ngayon naman, no match na sila kay Governor Vi.

Tingnan na lang ninyo ang katayuan niya sa buhay. Isa siyang gobernadora ng kanyang lalawigan. Ngayon kahit na ayaw na niya, pinipilit pa rin siyang tumakbo sa susunod na eleksiyon para sa mas mataas na posisyon dahil sa magandang record niya sa kanyang bayan. Bilang isang aktres, aba paminsan-minsan lang siyang gumawa ng pelikula pero pinupuri pa rin ng mga kritiko at ang higit na mahalaga, kumikita ang mga pelikula niya. Bilang isang ina, aba eh maayos ang buhay ng kanyang pamilya at nasa ayos ang kanyang mga anak. Wala kang maririnig na kung anu-anong nasasabitan ng kanyang mga anak.

Wala kang naririnig na kaso laban sa kanya. Hindi ba dapat maging masaya na siya sa kanyang buhay kahit na anong paninira pa ang gawin sa kanya?

Kawawang Derek, pinipilit kay Kris

Ilang beses nga bang kailangang sabihin ni Derek Ramsay na hindi siya nanli­ligaw at wala siyang balak na ligawan si Kris Aquino? Ilang beses ba niyang kailangang sabihin na huwag lalagyan ng malisya ang pakikipagkaibigan niya sa presidential sister? Ilang ulit din ba niyang sasabihin na ayaw niya ng isang girlfriend na nasa showbiz?

Nakakapagtaka na rin kung bakit paulit-ulit pa rin nilang pinalulutang na si Derek daw ay nakikipag-date kay Kris ganoong sinabi naman niyang hindi date iyon.

Sino nga kaya ang gumagawa at nagpapalabas ng mga usapang iyan? Ayaw naming magbintang.

Talent manager masyadong garapal sa pera

Totoo ba naman iyong bintang nila sa isang talent ma­nager na gusto pa raw gawing pera pati na ang pagpapakasal ng kanyang talent? Ibinebenta raw ang coverage rights sa isang network ng apat na milyon. Aba, kahit na kasal ng mga royalties sa Britanya hindi naman ipinaningil nang ganyan, kasal pa ba ng mga artista lamang na hindi na rin naman in demand.

ATE VI BAKIT GOVERNOR VI ILANG KANYANG NAMAN NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with