Nagsalita na: Grace Poe wala sa planong mag-presidente!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 13, 2014 - 12:00am

May clamor para kumandidato na pangulo ng Pilipinas sa 2016 si Senator Grace Poe-Llamanzares.

Nagulat si Mama Grace sa balita na kumakalat tungkol sa pagkandidato niya dahil wala ito sa kanyang plano.

Kung si Susan Roces ang tatanungin, ayaw niya na sundan ng kanyang anak ang yapak ni Kuya Ron (Fernando Poe, Jr.) na tumakbong presidente ng Pilipinas noong 2004 pero naging biktima ng mga pandaraya.

Ayaw ni Manang Inday (Susan Roces) na maranasan ni Mama Grace ang nangyari kay Kuya Ron.

BB iniwasang mapadaan sa condo nina Carmina at Zoren pag ipinapasyal ang kanyang aso

May nagkuwento na iniwasan ni BB Gandang­hari ang isang condominium building habang ipinapasyal ang kanyang pet dog dahil nalaman niya na may unit doon ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

Kung totoo ang kumakalat na balita, baka nga hindi pa handa si BB na makita ang kanyang ex-wife kahit sinasabi nila na puwede sila na maging friends.

Si Carmina ang unang sinabihan ni BB sa plano nito na paglalantad sa publiko ng kanyang tunay na pagkatao. Naintindihan ni Carmina ang desisyon ng dating mister  na minahal niya noon nang husto.

Well-publicized noong dekada ’90 ang pagtatampo ni Carmina sa mga aktor na nag-joke na baklita si Rustom Padilla. Vindicated ang mga aktor dahil makalipas ang ilang taon, inamin ni Rustom a.k.a BB ang the truth and nothing but.

Vic mukhang inayusan ni Pauleen kaya mas lalong mukhang bata

Ang guwapo-guwapo kahapon ni Vic Sotto sa grand finals ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.

Very dapper si Bossing sa kanyang suot na suit. I’m sure, lalong na-in love kay Bossing ang love of his life na si Pauleen Luna. Baka nga si Pauleen pa ang stylist ni Bossing kaya looking good ito sa kanyang outfit.

Naloka lang ako sa mga bagets na finalist sa Little Miss Philippines.

Parang mga dalaga na sila kung magsalita at sumagot sa mga question nina Bossing at Allan K.

May mga bagets na cute na cute pero may mga contestant na sumobra ang pasikat kaya hindi sila nakakaaliw na panoorin.

Hindi nila taglay ang natural charm nina Aiza Seguerra at Ryzza Mae Dizon na matatalino ang sagot pero hindi trying hard sa pagpapa-impress.

Vera Perez garden bubuksan na

Malapit na ang blessing at grand opening ng events place ng mga Vera Perez sa Sampaguita Gardens.

Siyempre, invited ako ni Manay Marichu Vera Perez Maceda sa blessing ng kanilang bagong business.

Garantisado na magkakaroon ng reunion sa opening ng Vera Perez’ events place ang mga contract star ng Sampaguita Pictures.

Nasilip ko na ang nasabing events place na perfect sa mga wedding reception at mga importanteng okasyon.

Sayang dahil hindi naabutan ng mga kabataan ngayon ang golden years ng Sampaguita Pictures na nag-produce noon ng magagandang pelikula at nagpasikat ng maraming mga artista.

Sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Eddie Gu­tierrez, Jose Mari Gonzales, Dolphy, Gloria Romero ang ilan sa mga pinasikat na artista ng Sampaguita Pictures.

Madaling mahanap ang events place ng mga Vera Perez dahil nasa kanto ito ng Valencia Street at Gilmore Street sa Ortigas Avenue, Quezon City.

Katapat na katapat ng Vera Perez compound ang old Regal Films office na events place na rin at pagmamay-ari ni Mother Lily Monteverde.

 

CARMINA KANYANG KUYA RON LITTLE MISS PHILIPPINES MAMA GRACE SAMPAGUITA PICTURES SUSAN ROCES VERA PEREZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with