^

Pang Movies

Dahil sa anak, Mark natutong magtira ng pera sa ATM

PARINIGA NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hangga’t maaari ayaw ni Mark Herras mag-showbiz ang anak niyang si Baby Ada. Pero alam naman ni Mark na hindi maiiwasan na hindi maging visible ang anak niya lalo sa mga showbiz event tulad nung nakaraang Father’s Day. Gusto lang niyang magkaroon ng privacy si Baby Ada habang lumalaki at maging normal ang buhay nito. Gusto rin ni Mark na makatapos ng college ang sanggol pang anak.

At ngayon pa lang ay kinuhanan na ni Mark si Ada ng educational plan.

Walang ginawa si Mark kundi i-video ang anak tuwing magkasama sila. At pinapanood niya naman ang nasabing video pag nasa trabaho na siya.

At least daw may napapanood siyang video kapag wala si Ada sa tabi nito. Nag-worry lang si Mark last week dahil sinisinat ang walong buwang bagets dahil tinutubuan na raw ng ngipin.

Nagbagong buhay na raw siya. Kung dati ay nakikipagsuntukan siya sa mga bar, ngayon ay iwas gulo na ito. Dati rin ay inuumaga siya sa bar sa kalasingan, ngayon daw ay 10 p.m. pa lang ay umuuwi na siya ng bahay. Natuto na rin siyang magtipid, mag-budget, at laging may laman sa kanyang ATM.

Time out muna siya sa love life. Hindi sila nagkatuluyan ng nanay ng anak.

Jake ginulat nina Kuya Germs at Bea

Bukas ang birthday ni Jake Vargas, July 9 pero natuwa ang binatilyo sa maagang sorpresa sa kanya ni Kuya Germs Moreno sa show na Walang Tulugan ng GMA 7. Bukod kasi sa kumanta ang Master Showman para sa kanya ay lumitaw din si Bea Binene sa nasabing show.

Wish din ni Jake na matupad ang sinasabi ni Kuya Germs na ma-nominate siya para sa art film niyang Asintado (Between the Eyes) na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival - Director’s showcase. Bilib na bilib din si Kuya Germs kay Direk Louie Ignacio dahil napa-level up daw nito ang akting ni Jake sa said movie bukod sa gandang-ganda ang Master Showman sa story ng Asintado. Kaya lahat din ng cast sa movie ay ganadong gumanap tulad nina Gabby Eigenmann, Rita de Guzman, Rochelle Pangilinan, at ang child star na si Miggs Cuaderno.

Samantala, sa ganitong okasyon nami-miss ni Jake ang mommy niya kaya simpleng salu-salo lang  na gagawin nila sa kanyang birthday bukas.

 

vuukle comment

ADA

ASINTADO

BABY ADA

BEA BINENE

BETWEEN THE EYES

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK LOUIE IGNACIO

GABBY EIGENMANN

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with