^

Beth ayaw makisawsaw sa problema sa pera ng kaibigan nila ni Juday

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - July 8, 2014 - 12:00am

Nakarating na kay Beth Tamayo ang balita tungkol sa pagkakahuli ng kanyang kaibigan na si Direk Dante “Ga” Garcia.

Isa si Beth sa close friend ni Direk Ga at kabilang nga sa circle of friends nila si Judy Ann Santos.

Nakilala si Direk Ga dahil sa pagdirek niya ng pelikulang Ploning na pinagbidahan ni Juday. Naidirek din niya si Juday sa comedy na Oh My Girl with Ogie Alcasid.

Maraming close na celebrities si Direk Ga. Bukod kina Juday at Beth, close siya kina Regine Velasquez, Eugene Domingo, Mylene Dizon, Piolo Pascual, Derek Ramsay, at marami pang iba.

Nabalitang naaresto si Direk Ga sa Palawan at na-detain sa Camp Karingal. Nakapagpiyansa raw ito kaagad.

May mga kakaharapin siyang kaso na may kinalaman sa estafa. Ang aktres at kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Harlene Bautista ang nagsampa ng kaso kay Direk Ga.

Nang makausap namin si Beth via direct messaging sa Facebook, nagulat din siya sa balita at nalungkot siya sa sinapit ng kaibigan nila ni Juday.

Nag-uusap naman daw sila ni Juday tungkol sa sitwasyon ni Direk Ga pero hindi na lang daw ito magko-comment sa pinagdaraanan nitong problema, lalo na sa kasong kinakaharap nito.

 “I hope you’ll understand if I won’t comment na lang about it.

 “Bottom line, a lot of people are praying for him and hopefully maayos na lahat soon.

 “Alam naman ni Ga na maraming nagmamahal sa kanya.

 “Wala namang problema na hindi nadadaan sa maayos na usapan eh,” pagtatapos pa ni Beth Tamayo.

Ken Alfonso masayang-masaya na nakapasok sa Dading

Sobrang happy ang bagong bini-build up na Kapuso actor na si Ken Alfonso dahil para sa unang project niya sa GMA 7 ay sinama siya sa teleserye na Dading kung saan bida si Gabby Eigenmann.

Gaganap siyang si Martin, isang resto bar owner at best friend ng character ni Benjamin Alves.

Mixed emotions ang naramdaman ni Ken sa unang pagsabak niya sa taping ng Dading.

Na-experience na ni Ken na abutan ng umaga sa set ng isang teleserye.

Pero kahit pagod ay fulfilled naman ang pakiramdam niya dahil natupad na ang pangarap niyang makasama sa isang teleserye.

May ni-launch na single si Ken titled Umaasa at maganda ang feedback ng kanyang music video sa YouTube.

“The song will be used for a Koreanovela which will air on July 14, titled Secret Love. I hope na marami pa ang magkagusto sa song kong ito,” pagtatapos pa ni Ken Alfonso.

Matapos ‘patayin’ ang kasamahan sa Glee, Lea Michele ‘binuntis’ ng hacker!

Pagkatapos na ma-hack ang Twitter account ng Glee star na si Chris Colfer, ang naging next victim naman ng hacking ay ang Glee star din na si Lea Michele.

Nagulat si Lea nang biglang nagkaroon siya ng tweet na ina-announce niya na siya ay buntis.

Heto ang naturang tweet: “Before this gets out to the media, I would like to announce to my fans that I am pregnant #BabyBoy”

Na-shock ang mga fans ni Lea dahil sa tweet na ito at agad ngang nai-delete niya ang tweet.

 “I was HACKED! Guess @chriscolfer and I should have known better then to make our passwords the names of our cats.”

Nagpalit agad ng password sina Lea at Chris para hindi na muling ma-hack ang kanilang accounts sa Twitter.

 

BENJAMIN ALVES BETH TAMAYO CAMP KARINGAL CHRIS COLFER DIREK GA JUDAY KEN ALFONSO LEA MICHELE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with