Edu ayaw makisawsaw sa pagpapakasal nina Luis at Angel
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - July 4, 2014 - 12:00am

Edu Manzano revealed at the presscon of the reformatted Face the People, which he now co-hosts Gelli de Belen and Tintin Bersola-Babao, that yes, madalas silang mag-usap ng kanyang anak kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto, ang ngayo’y kilala na ring TV host, si Luis Manzano.

But while they are able to talk just about anything, the usual chats, kumbaga, between father and son, and too, about their respective trabaho hindi nila napag-usapan ang tungkol sa kanilang lovelife

 ‘‘Kung sabagay, dull ang aking love life,’’ ani Edu.

In the case ni Luis, common knowledge ang pagbabalikan nila ni Angel Locsin. At marami nga ang humuhulang it’s just a matter of time before they get married.

On the matter kung tatakbo si Luis for Lipa City Mayor in the 2016 elections, hindi raw niya naitatanong sa anak. Naniniwala raw kasi siya, na kapag, halimbawang nakapag-decide na si Luis, mapa-tungkol man sa lovelife nito o sa kanyang political plans, idi-discuss ito ni Luis with him.

Kung sabagay in recent interview with Go­vernor Vi, siya mismo ay wala pa ring alam tungkol sa plano ni Luis sa pag-aasawa o sa pagpasok sa pulitika.

‘‘Kasi, alam niya rin siguro, na naririto lang ako, kung kailangan niya ng payo,’’ nabanggit pa ni Governor Vi.

Speaking of Edu, from him, we heard, na starting Monday, Face the People will have a new timeslot: 10:15 to 11:15 a.m, weekdays.

From Cebu, too, we learned that his contract with TV5 will end September. His ta­lent manager, June Rufino raw, will help him make any decision, kung anong plano niya after August.

At the moment daw, inamin ni Edu na may offer siya to do a teleserye for another network.

Pero dahil nga ‘di pa naman tapos ang contract niya with the Kapatid Network, he’d rather not discuss anumang plano meron sila ng kanyang talent manager.

Ipapasa na sa iba ang korona, Megan Young balik-showbiz na

Since malapit na ngang magtapos ang kanyang reign as Miss World, natural lang na planuhin na ni Megan Young ang dapat maging move niya, once naisalin na niya ang korona sa kanyang successor.

Definitely, according to Megan, she will re­sume her showbiz career. And, as it is daw, may mga offer na siya sa ilang film company at TV channels.

Tuloy, gusto namin ita­nong kung nag-expire na ba ang contract niya as ABS-CBN.

Huling napanood si Megan sa comedy series na M3 (for Malay Mo Ma-Develop), which co-starred her with Aga Muhlach at AiAi delas Alas.

Balak din daw ni Megan na ipagpatuloy ang kan­yang pag-aaral. Bago siya naging Miss World, naka-enroll si Megan sa kursong filmmaking sa St. Benilde College.

Definitely daw, love will take a backseat muna, as far as she is concerned.

Hindi naman siya umamin, pero maugong ang balitang sila na nga ng Kapuso actor na si Mikael Daez.

Jodi at Richard excited nang mag-concert

Bagama’t busy both sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap with their respective film assignment, si Jodi, with Maria Leonora Teresa, and Ser Chief with Praybet Benjamin, they make time to rehearse for their upcoming concert, with the rest of the cast, of their long-time afternoon series, Be Careful With My Heart, which will be held at the Araneta’s Coliseum.

Like their co-stars in Be Careful…, Jodi and Richard will sing and dance.

‘‘First time namin ito pareho ni Jodi to perform at the Big Dome,’’ ani Ser Chief. ‘‘Pati na nga ibang kasamahan namin. Maliban kay Aiza (Seguerra).

“Kaya, huwag kayong magtaka kung extra excited kami,’’ dugtong pa ni Richard.

 

AGA MUHLACH ANGEL LOCSIN JODI LUIS MEGAN MEGAN YOUNG MISS WORLD NIYA SER CHIEF
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with