Angel excited nang maging titser ng mga bata
FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - July 1, 2014 - 12:00am

Masayang-masaya si Angel Locsin dahil sa magandang nangyayari sa kanyang career ngayon. Inihahanda na ng Star Cinema ang muli nitong paglipad bilang Darna sa pelikula kung saan talagang gagastusan.

Excited na rin ang magandang aktres dahil magtuturo na siya sa mga bata ng tamang pag-arte sa i-Shine Talent Camp 3 na isang talent search para sa mga batang mula edad na apat hanggang pitong taong gulang. First time ni Angel na magturo sa mga bata kaya ina­alam na niya ang mga strengths and weaknesses ng mga ito.

Ayon pa rin sa akters una niyang ituturo ay kung paano magkakaroon ng self-confidence na mahalaga kung talagang desidido ang mga bata na mag-artista.

Rich type sampal-sampalin si Carla

Ipinagmamalaki ng GMA Network si Rich Asuncion bilang isa sa kanilang mga kontrabida. Aariba ang pagiging maldita nito sa Yagit bilang kontrabida. Paborito niyang character actress si Cherrie Gil. Gusto niyang makatrabaho si Carla Abellana sa isang proyekto kung saan type niya itong sampal-sampalin.

Inamin ni Rich na okay lang na ma-type cast siyang kontrabida at sa edad niya hindi na siya naghahangad na maging bida. Katwiran nito enjoy siya sa character role dahil napaglalaruan niya.

Sinabi nito na kahit matangkad siya ay epektibo pa rin siyang kontrabida. Sa Kambal Sirena ay hindi naman siya kontrabida pero malaki ang natutunan niya sa serye dahil natuto siyang lumangoy sa pagtuturo ni Jess Lapid. Isa na siyang license diver at ‘di na takot sa tubig. Noon daw ay may phobia siya sa tubig pero nawala nang maging diver na ang aktres.

 

AARIBA ANGEL LOCSIN CARLA ABELLANA CHERRIE GIL JESS LAPID RICH ASUNCION SA KAMBAL SIRENA SHINE TALENT CAMP STAR CINEMA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with