^

Pang Movies

LJ masaya kung magkakatuluyan sina paulo at KC

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wala na sa vocabulary ni LJ Reyes na makipagbalikan sa dating boyfriend at ama ng anak na si Aki, kay Paulo Avelino. Ayon sa isa sa new breed of kontrabidas ng GMA 7, hinding-hindi na raw, tapos na ang chapter ng buhay nila. May communication naman sila ni Paulo para sa anak nila at wala raw siyang masasabi dahil very good and responsible dad si Paulo, who finds time to be with Aki. Natanong din si LJ kung nagselos ba siya nang lumabas ang balitang nanligaw si Paulo kay KC Concepcion. Hindi raw, kung nagkatuluyan daw ang dalawa, matutuwa pa siya for them. Tinawanan na lamang ni LJ ang pagli-link sa kanya kay Dennis Trillo. Biro niya, tigilan na sila dahil hindi naman siya niligawan ni Dennis, kahit noong nagsu-shooting sila ng Janitor ni Mike Tuviera para sa Cinemalaya Director’s Showcase sa August. Hindi pa rin daw siya ready for another relationship, ayaw na niya ng boyfriend lamang, gusto niya iyong seryosohan na.

Abala ngayon si LJ sa pagsama kay Direk Gina Alajar at sa iba pa niyang co-stars sa audition para sa apat na batang kailangan sa remake ng drama series na Yagit. Hindi pa alam ni LJ kung mabait o kontrabida na naman siya sa afternoon prime drama, ang alam pa lamang niya, siya ang kukupkop sa apat na batang yagit.

Jackie mag-isang bibiyahe sa UK, BF ayaw na talaga

Ang sexy role nga ba ni Jackie Rice as the youngest wife ni Allen Dizon (ang dalawa  ay sina Jean Garcia at Sunshine Dizon) sa indie film na Kamkam (The Greed) ang dahilan ng break-up ng actress at ng boyfriend nito of more than three years na?  

Dumating nga raw sa punto na kailangang paalisin sa set ang boyfriend ni Jackie nang isu-shoot na ni Direk Joel Lamangan ang eksena. Pero napanood naman namin ang kabuuan ng pelikula na tamang-tama ang tema sa mga corrupt na barangay officials, pero maganda naman ang execution ng love scenes kaya hindi dapat nagselos ang boyfriend ni Jackie.

Nag-deny si Jackie na break na sila ng boyfriend, pero nang tanungin namin kung kasama niyang magta-travel ang boyfriend sa United Kingdom, hindi raw, mag-isa lamang siyang magbabakasyon.  

Napagod daw siya nang sabay niyang ginawa ang Kamkam at afternoon prime niyang Innamorata.  

Takot daw siyang mag-isang magbiyahe, lalakasan na lamang daw niya ang loob niya.  Sa Wednesday, July 9 ang showing ng Kamkam.

 

AKI

ALLEN DIZON

BOYFRIEND

CINEMALAYA DIRECTOR

DENNIS TRILLO

DIREK GINA ALAJAR

DIREK JOEL LAMANGAN

KAMKAM

PAULO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with