^

Pang Movies

Rocco pinagpawisan sa mga eksena nila ni Ate Guy

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang araw, nabulabog ang Escolta noong mag-shooting ang nag-iisang Superstar Nora Aunor. Napansin naming parang nagbalik gunita ang direktor ng Hustisya na si Direk Joel Lamangan. Minsan din niyang naranasang mamalagi sa naturang lugar. Karamihan kasi doon ang opisina ng movie outfit, tagpuan din ito ng mga artista, direktor, mga stuntman, at mga crew.

Hindi lang namin masyadong napansin ang pagda­ting ni Rocco Nacino, gumaganap siya bilang abogado sa said movie pero nadinig namin sa kwentuhan ng mga nakapanood, pinagpawisan si Rocco dahil nakaeksena niya ang nag-iisang superstar. Nataranta nga raw si Rocco, kaya’t medyo nakapag-alsa boses si Direk Joel. Knowing Direk, ayaw niyang hindi nasusunod ang mga gusto niyang gawin ng mga artista niya. Perfect naman nung ulitin ni Rocco.

Hindi akalain ni Rocco na sina Direk Joel Lamangan at Nora Aunor pa ang makakasama niya sa pelikula na nagpakumpleto sa kanyang pagiging artista.

Esther hindi alam ang sistema sa showbiz

Hindi na dapat magdamdam si Mrs. Esther Lahbati kung sakaling hindi man lang nabigyan ng pansin sa binyag ng kanyang apo na si Zion. Sa rami ba naman ng kinuhang ninang at ninong, mapapansin pa ba siya kahit nanay siya ni Sarah Lahbati? Sa showbiz, dapat malaman ni Aling Esther, hindi uso ang pagdaramdam, pagtatampo, at paghihimutok. Matira ang matibay sa mundong ito. Dapat ignore na niya ang mga ganung drama lalo’t balae na niya si Annabelle Rama. Kaya lang may nagkokomento, dapat ipinagtanggol ni Sarah ang ina sa tinamong pagdaramdam. Anak niya ang bininyagang bata, kaya dapat may boses din siya. May katwiran naman.

Pero ang mahalaga makasal ang anak niya kay Richard dahil may anak na sila. Kaya tigilan na niya ang pagdaramdam.

Miguel worried na forever nang maging isip bata

Malaki ang improvement ng bagets na bida sa Niño, si Miguel Tanfelix. Nakakahawig siya ni Ian Veneracion at Jake Vargas sa iba’t ibang angulo. Isip bata si Miguel sa istorya at paborito niya si Gloria Romero at Luz Valdez. Mistulang tunay na apo ang treatment nila kay Miguel. Mahirap din daw umarteng isip bata dahil baka makasanayan ito kahit tapos na mga eksena niya. Balik na rin si Jay Manalo at Kuya Germs sa serye.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings sa aming kababayang pamoso sa Baliuag, Bulacan na si Jorge Allan Tengco, ng Baliuag Tourism noong June 20. Malaki ang malasakit ni Allan sa beautification ng Baliuag. Nag-sponsor nga siya ng Binibining Baliuag 2014, pero teka, sino kaya ‘yung may ideya na magsuot ng animo’y parang isang hari si Allan sa pictorial na idinisplay? Nagtatanong tuloy ang iba, na nasasakop na raw ba ng mga Kastila ang naturang bayan, dahil King Allan ang nakalagay sa poster. Tama lang sa halip parang isang prinsipe. Sino nga ba ang may pasimuno na magsuot nito?

Maja hahataw

Sa July 12, hahataw sa kanyang concert si Maja Salvador sa Maj: Legal Performer. Magiging guest niya sina Enchong Dee, at Piolo Pascual. Duma­ting kaya sa concert si Gerald Anderson? 

                                                               

 

ALING ESTHER

DIREK JOEL LAMANGAN

MIGUEL

NIYA

ROCCO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with