^

Pang Movies

Walang gaydar Glaiza hindi marunong umamoy ng mga beki

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - For a change ay kakaiba ang role na gagampanan ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa newest afternoon prime ng GMA 7 na Dading na pagbibidahan nila nina Gabby Eigenmann, Benjamin Alvez, Chynna Ortaleza, Gardo Versoza, at RJ Padilla. Ang role niya rito ay bilang si Beth na naanakan ni Benjamin Alvez pero iniwan at inako ni Gabby na isang bading ang responsibilidad sa mag-ina. Pahinga muna sa mga kontrabida roles si Glaiza.

Since tumatalakay nga ang serye tungkol sa mga gays, naitanong sa dalaga kung may posibilidad bang ma-inlove siya sa isang bading.

 â€œMay chance naman and at the end of the day ikaw pa rin ang magde-desisyon para sa sarili mo. If iyon ang bigay sa iyo ni God, let it be, ang importante ay nagmamahalan kayo,” sagot pa nito.

So, may posibilidad na pumatol siya sa isang bisexual?

“May possibility, puwede, kasi hindi mo rin naman puwedeng piliin, e.”

Wala pa naman daw nanligaw sa kanya na tagong-bading o bisexual.

“Hindi ko alam kung hindi ko ‘naamoy,’ hindi kasi ako masyadong marunong sa ganun, e, sa ‘amuyan.’ Wala akong gay radar.”

Halimbawa namang malaman niyang ang boyfriend niya ay may karelasyong bading?

“Ayun na, ayun na, ‘yun ang medyo hindi ko kaya. Kasi parang sa akin, kung saan mo gusto, kasi parang hindi ko…

“Palagi kong maiiisip na, e. Mapapraning na ako, e.”

Paano kung nakaraan na? Na umamin sa kanya ang guy na nagkaroon na ito dati ng karelasyong gay?

“Well, siguro hindi ko pa rin talaga maiisip na, bilang babae, palagi kong matatanong ‘yung ganyan.

“Pero kung ipu-prove niya naman na hindi na siya mambabading, ‘di let’s see,”paliwanag pa ng aktres.

               

 

vuukle comment

AYUN

BENJAMIN ALVEZ

CHYNNA ORTALEZA

GABBY EIGENMANN

GARDO VERSOZA

GLAIZA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with