^

Pang Movies

Mikael na-solo ng dalawang araw sa london si Megan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Humabol si Mikael Daez sa presscon ng sitcom ng GMA 7, ang Ismol Family, diretso mula sa NAIA, kaya nagulat siya nang malamang ibinuking na ng bida ng sitcom na si Ryan Agoncillo na role ng isang beki ang gina­gampanan niya sa sitcom na dinidirek ni Dominic Zapata.  Akala raw kasi niya, hindi muna sasabihin na may lihim siyang pagmamahal sa kanyang best friend.  Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role?  Hindi raw naman dahil hindi iyon ang first time na gaganap siyang bading, ilang beses na siyang nag-portray nito sa gag show nilang Bubble Gang. Wala rin daw naman siyang problema sa kanyang gender, kilala niya ang sarili niya.

Wala rin siyang peg kung sino ang beki na gagayahin niya, basta sa set, bago nila gawin ang isang eksena, pinag-uusapan nila nina Direk Dom at Ryan kung paano niya aatakihin ang kanyang role. Kaya raw laging masaya sila sa set dahil puro sila mga ‘sira-ulo,’ kahit ang leading lady nila, si Carla Abellana.  Magaang daw katrabaho si Ryan na ilang beses na rin niyang nakasama kapag naggi-guest ito sa Bubble Gang. Sa Sunday na, June 22, mapapanood ang Ismol Family pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Hindi naman ikinaila ni Mikael na dinalaw niya ang ‘best friend’ na si 2013 Miss World, Megan Young. Four days lamang siya, ang two days naubos niya sa direct flight from Manila to London and vice versa. Two days lamang silang nakapasyal ni Megan na nagkataong hindi busy ang schedule.  Based pa rin sa London si Megan, pero hindi pa niya alam kung kailan uuwi rito para sa Miss World Philippines.  Tawa raw nang tawa si Megan nang ikuwento niyang isang bading ang role niya sa Ismol Family.

Paolo ayaw isiping makakahiwalay na ang anak

Si Paolo Ballesteros ang one and only co-host ni Marian Rivera sa dance show nitong Marian na mapapanood na simula sa Sabado, June 21, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko at bago ang Magpakailanman sa GMA 7.  

Hindi bago kay Paolo na makasama ang GMA Primetime Queen dahil marami na silang pinagsamahang soap at ngayon nga co-host nila si Marian sa Juan for All, All for Juan segment sa Eat Bulaga.  For a change, magbibihis daw naman siya sa show para maiba naman at sasayaw rin if challenged.   

Si Marian daw ay luka-luka rin, masaya lagi at hindi mabigat kasama, kahit babae, hindi na nila kailangang alagaan, walang arte sa katawan, hindi nagmi-makeup.  Kapag magti-take na sila, maglalagay daw lamang ng mascara at take na.

Ilang beses nang nakakasama ni Paolo sa show ang five-year old daughter niyang si Kiera na willing siyang ibigay sa nanay nito kung kaya na nitong suportahan ang anak nila.  Ang bata, mas gusto raw na sa kanya sumama, pero naniniwala raw siyang dapat sa ina lumaki ang anak.  Ayaw daw niyang isipin na magkakahiwalay na sila ng anak niya dahil naka-graduate na ang mommy nito at puwede nang magtrabaho at magsarili.  

 

BUBBLE GANG

CARLA ABELLANA

DADDY KO

DIREK DOM

ISMOL FAMILY

MEGAN

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with