^

Male celeb malala na ang sakit sa atay, pero ayaw pa-hospital

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 17, 2014 - 12:00am

Totoo kaya ang balitang may matinding karamdaman ngayon ang isang male celebrity kaya hindi na ito napagkikita?

From a reliable source ay nagpapagamot daw ngayon ang naturang male celebrity sa kanilang bahay. Ayaw daw nitong ma-confine sa ospital dahil maraming makaaalam na may grabe siyang sakit na pinagdaraaan ngayon.

Balita nga na ang atay daw ng male celebrity ang natamaan ng sakit.

Ang sakit nga raw ng male celebrity ay katulad ng naging sakit ng isang hunk actor na muntik ngang ikinamatay nito kung hindi pa agad naagapan at dumaan sa mahabang gamutan.

Last year lang daw naramdaman ng male celebrity na may problema sa kanyang katawan. Nagsimula raw ito sa pananakit ng kanyang mga muscles hanggang sa hindi na raw siya makakain dahil isinusuka na niya ang lahat ng kainin niya.

Pinagdarasal nga ng mga kamag-anak ni male celebrity ang mabilis nitong paggaling.

Baguhang si Ken Alfonso may ibubuga rin sa pagkanta

Pangteleserye nga ang buhay ng bagong Kapuso heartthrob na si Ken Alfonso.

Tulad nga ng ilang mga baguhan na pumasok sa showbiz, isa si Ken sa lumaki na hindi nakilala ang kanyang tunay na ama.

Inamin ni Ken na matagal na niyang gustong makilala ang tunay niyang ama kahit lumaki siya sa piling ng kanyang stepfather.

“I tried asking my mother kung sino ang father ko, pero laging umiiwas siya sa tanong na iyon.

“I want to find it out for myself pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Siguro one day, makikilala ko rin siya lalo na’t nasa showbiz na ako,” sey pa ni Ken.

Pang-leading man ang dating ni Ken. Maganda ang height, pangangatawan at mahusay pang kumanta. Nag-record siya ng song titled Umaasa composed by Vincent Salumbides III at Paolo Zarate. Nasa YouTube na nga ang music video ni Ken at wish niyang magkaroon ng sariling album.

Big edge nga ito ni Ken sa mga kasabayan niya ngayong mga bagong artista ng GMA 7 dahil more on acting ang gusto nilang i-pursue at hindi ang pagkanta.

Tapos ng Business Administration course si Ken sa University of the Philippines. Nagtatrabaho siya sa pharmaceutical company na Allergan noong ma-discover siya ni Jonas sa Baguio City.

 Dapat nga ay may show na sa TV5 si Ken na Pretty Little Liars. Pero balitang na-shelve na ang project na ito kaya nilipat siya sa GMA 7.

Gustong makatrabaho ni Ken sina Solenn Heussaff at Max Collins.

Bida ng hit TV series na Glee gusto na uling sumaya

Mukhang ready nang ma-in love ulit ang Glee star na si Lea Michele pagkatapos sumakabilang-buhay last year ang kanyang actor-boyfriend na si Cory Monteith.

Nakita si Lea na ka-date ang isang actor/model named Matthew Paetz na nakilala niya noong mag-shoot siya ng kanyang music video na On My Way.

“For a long time, Lea wasn’t close to even thinking about getting into a relationship. Cory’s death was and will continue to be a struggle for her,” ayon pa sa People magazine.

Sa Elle magazine ay nag-open up si Michelle sa kanyang nararamdaman noong lumabas ang autopsy report na ang kinamatay ng kanyang boyfriend ay dahil sa mixed drug toxicity from heroin and alcohol.

“It’s very hard. And you have to be very strong to come out of this alive, but I think by doing the best for myself, by showing that you don’t have to lose yourself, maybe someone else will feel some sort of strength or comfort. There was no greater man than Cory. So for the time we spent together I consider myself very lucky,” sey pa ni Lea.

BAGUIO CITY BUSINESS ADMINISTRATION CORY MONTEITH KANYANG KEN KEN ALFONSO LEA MICHELE SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with