Marian napasubo!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 13, 2014 - 12:00am

Talagang matindi ang ginagawang suporta ng GMA 7 sa kanilang tinatawag na Queen of the dance floor na si Marian Rivera. Napansin na­ming pati ang media presentation ng kanilang Saturday night show, Marian, na magsisimula sa June 21 ay talagang pinaghandaan nang husto.

Aba kailangan naman, dahil alam naman nin­yo na si Marian ay nasa ilalim ngayon ng manage­ment ng Triple A na producer mismo ng Eat Bulaga. Iyang Eat Bulaga ay mahigit na tatlong dekada nang top-rater. Natural naroroon ang challenge na patagalin din nila ang Marian.

Kung tutuusin, weekly na nga lang ang show niya ngayon, hindi kagaya nang dati na gabi-gabi siyang napapanood sa telebisyon. Aba mahirap naman talagang gumawa ng isang dance show kaysa sa isang teleserye. Iyong teleserye, may script na kailangang basahin at pag-aaralan na lang ng isang artista. Walang masyadong pagod iyan dahil tatawagin lang sila kung eksena na nila. May rehearsals man, hindi naman ganoon katindi.

Pero ang isang dance show, pag-aaralan mo ang lahat ng sayaw. Matindi iyan. Lalo na nga sa kaso niya na sinasabing mga apat na production numbers ang gagawin niya sa bawat show, aba eh matindi iyon. Baka kung talagang gagawin nilang mahusay ang mga number, mga isang linggong rehearsal na ang kailangan.

Alam ba ninyo noong panahon ni Governor Vilma Santos, kung sabihin nila isang production number lang ang ginagawa niya, ang ope­ning. Tapos host na lang siya sa kabuuan ng dalawang oras niyang show, pero alam ba ninyo ang rehearsals noon ay isang buong araw? Kasi gusto nila laging perfect ang kanilang dance number. Iyong mga dance numbers ni Ate Vi noon, “dinadangkal” as in ginagaya pa ng mga taga-That’s Entertainment. Kumuha pa nga sila ng isang choreographer na dancer ni Ate Vi para makopya iyon, at tatlong araw inaabot ang kanilang rehear­sals.

Hindi biru-biro ang pinasok na iyan ni Marian. Hindi puwedeng basta giling-giling lang lahat iyan. Marami siyang kailangang pag-aralan.

Ryzza Mae puwedeng maging Vilma Santos paglaki

May nagsasabing siya raw ang kapalit ni Vilma Santos, pero mukhang hindi eh. Mukhang ang mas makakapalit ni Vilma Santos ay si Ryzza Mae Dizon. Una, pareho silang nagsimula bilang isang batang artista, at pareho ring sumikat agad at nanalong best child actress sa una nilang pelikula.

At saka aliw na aliw nga kami noong magpunta si Ryzza sa Kapitolyo ng Batangas para sa kanyang show, at ginagaya niya ang mga eksenang ginawa ni Ate Vi sa kanyang mga award winning movies. Siyempre hindi naman masasabing gayang-gaya dahil bata pa iyon eh, pero maaaliw ka sa panonood sa kanya dahil talagang pinag-aralan niya ang mga eksena, at ginagaya niya talaga.

Female star walang masungkit na dyowa, dinaig pa ng baklang kaibigan

Hindi matanggap ng isang female star na broken-hearted siya nang tatlong sunud-sunod, samantalang ang dati niyang partner ay mabilis siyang napalitan. Ang masakit pa, mukhang mas masuwerte pa ang friend niyang bading dahil matapos na iwanan ng dating boylet ay nakakita rin agad ng kapalit, samantalang siya, tunay na babae walang masungkit.

Malungkot nga namang sitwasyon iyan.

ATE VI EAT BULAGA GOVERNOR VILMA SANTOS ISANG IYANG EAT BULAGA IYONG VILMA SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with