Gawa ng Pinoy designer na si Michael Cinco pasok sa Hollywood film
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 7, 2014 - 12:00am

Muling makikilala ang husay ng Pinoy designer dahil sa bagong sci-fi Hollywood film na Jupiter Ascending, kung saan bida sina Channing Tatum at Mila Kunis.

Ang Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco ang gumawa ng isang couture costume gown na sinuot ni Mila Kunis sa isang malaking eksena sa Jupiter Ascending.

Naglabas nga ng ilang mga photos si Cinco sa kanyang Instagram account ng gown na ginawa niya para sa naturang movie na dinirek ng The Wachowski Brothers.

Nakatrabaho at nadamitan na ni Michael Cinco ang mga sikat na celebrities tulad nila Tyra Banks, Naomi Campbell, Sofia Vergara, Britney Spears, Lady Gaga, Chris Brown, Fergie, Paris Hilton, at Dita Von Teese.

Na-feature na ang kanyang mga creations sa programang Ame­rica’s Next Top Model Cycle 16.

Pinanganak sa Catbalogan City, Samar si Michael Cinco at nagtapos siya ng Fine Arts sa UP Diliman. Dalawang taon naman siyang nag-aral sa SLIMS fashion and arts school.

Sa London ay nag-aral siya ng fashion and pattern making sa Central Saint Martin’s College of Art and Design.

Lumipat siya sa Dubai in 1997 at doon niya tinayo ang kanyang couture house, Michael Cinco Haute Couture in 2003.

Parang bakla nga Abs ng male celeb hinihimas-himas ng aktor

Iba na ang pakiramdam ng male celebrity na ito sa male actor na katrabaho niya sa isang TV series.

Ayaw naman niyang bigyan ng malisya pero minsan daw ay iba na kung magbiro ang male actor. Bukod sa nagiging pisikal na ito, may mga sinasabi rin ito sa kanya na double meaning parati.

May nagsabi na nga sa male celebrity na baka natitipuhan siya ng male actor. May bali-balita kasing may pagka-bise­xual ang naturang male actor at mukhang si male celebrity ang gusto niya ngayong tikman kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Kuwento ni male celebrity na minsan daw ay nagkasabay silang magbihis sa kanilang dressing room ay malagkit ang tingin sa kanya ni male actor. Pinuri raw nito ang magandang mga muscles sa katawan ni male celebrity.

Hindi pa raw nakuntento si male actor sa kanyang pagtitig, hinimas pa raw nito ang abdominal muscles ni male celebrity sabay sinabing gano’n din daw ang katawan niya noong araw.

Doon na raw nakahalata si male celebrity na tila may pagnanasa si male actor sa kanya.

Para lang daw hindi makahalata si male actor na iniiwasan siya ni male celebrity, tuwing nagkakasabay sila sa dressing room, kunwari ay may kausap na lang si male celebrity sa kanyang cellphone para lang maiwasan niya ang mga malalagkit na titig sa kanya ni male actor.

Justin Bieber nag-sorry sa mga panlalait

Hindi pa tapos ang mga paratang sa Canadian pop singer na si Justin Bieber na isa itong racist.

Kelan lang ay may lumabas na video niya na ginagamit niya ang N-word sa isang racist joke.

Paliwanag ng rep ni Bieber na 15-years old lang ang singer noong gawin nito ang video kaya hindi ito aware na maling sabihin ang N-word na iyon.

Pero may lumabas ulit na bagong video si Bieber, this time ay kumakanta naman siya ng isang racist version ng One Less Lonely Girl.

Nabanggit niya ang N-word ng ilang beses at pati na ang pagsali sa grupong KKK o ang Ku Klux Klan na isang organization na nagpe-persecute ng mga colored people.

Muli ay pinagtanggol ng kanyang rep si Bieber at sinabing 14-years old naman daw ang singer noong gawin nito ang video.

Mabilis naman na nagpaabot ng kanyang apo­logy si Bieber sa kanyang mga nagawa noong bata pa siya.

 

ACTOR BIEBER CELEBRITY JUPITER ASCENDING JUSTIN BIEBER MALE MICHAEL CINCO NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with