Matapos akusahang mang-aagaw, starlet na si Krista Miller hindi naitanggi ang pagbebenta
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 7, 2014 - 12:00am

Mukhang maling sitwasyon na naman ang napa­sukan ng sexy star na si Krista Miller. Noong unang sabak niya sa showbusiness, na-link siya sa aktor na si Cesar Montano at sinasabing siyang dahilan kung bakit nagdesisyon si Sunshine Cruz na tuluyang hiwalayan na ang kanyang asawa.

Noong makasama naman siya sa isang reality show, nagkaroon din ng tsismis.

Ngayon ay nakunan siya ng CCTV na dumalaw pa sa ospital sa isang convicted drug lord na ang pagkakapasok sa ospital ay sinasabing illegal, at kinumpirma niya sa mga imbestigador na siya nga mismo iyong nakunan ng CCTV na dumalaw pa roon.

Na katuwiran niya ay nagbebenta lang siya ng condo. Umiiyak pa siyang nagsabi na condo lang inaalok niya sa nakakulong na umano’y drug lord hindi ang kanyang katawan.

Gov. Vi may foundation para sa fans

May nagtanong nga sa amin, talaga raw bang ganoon si Governor Vilma Santos? Kasi nang usisain siya minsan kung papaano ang kanyang honorarium sa isang TV show, na malaking halaga rin naman, ang sinabi niya ay ibigay na lamang iyon sa kanyang Vilma Santos Foundation. Sabi nga namin, hindi na kami nagulat kung ganoon nga ang sagot niya, dahil hindi na bago sa pandinig namin ang mga bagay na iyon. Madalas na naming naririnig na may mga ganoon na ipinabibigay na lamang niya sa kanyang foundation.

Nagtayo si Ate Vi ng isang foundation dahil gusto niya maging systematic ang ga­ga­win niyang pagtulong sa kung sino man ang nangangailangan. Hindi kailangang lahat ng nangangailangan ng tulong niya ay pupunta sa kapitolyo ng Batangas at hihintaying makausap siya. Marami rin naman kasing ibang kailangang asikasuhin si Ate Vi at isa pa, ayaw niya noong para siyang nagbibigay ng limos sa mga lumalapit sa kanya. Sinasabi nga niya, maski naman iyong mga nanga­ngailangan, may dignidad pa rin. Nakababawas sa dignidad ng tao na para siyang namamalimos dahil sa kanyang panga­ngailangan na hindi niya kayang matugunan. In the first place hindi naman niya kasalanan kung mahirap siya.

Kaya nga ang ginawa ni Ate Vi, nagtatag siya ng isang foundation na kung saan may sistema ang ginagawang pag­tulong sa ibang tao, at take note, hindi lamang mga taga-Batangas ang tumatanggap ng tulong mula sa kanyang foundation. Marami rin namang taga-ibang lugar na lumalapit doon at natutulungan. Wala namang ibang donasyong tinatanggap ang foundation. Doon niya inilalagay ang mga kinikita niya sa ibang mga projects. Halimbawa nga naging guest siya sa isang TV show, o kaya may nangumbida sa kanya para sa isang personal appearance sa abroad. Napupunta rin sa foundation ang bahagi ng kita niya kung may ginagawa siyang pelikula. Kaya nga minsan sinasabi niya, kung mauubos na ang pondo ng foundation ay magpapaalam siya sa mga taga-Batangas na gagawa muna siya ng isang pelikula. Kasi kailangan din niya iyon para maituloy ang mga proyekto niya sa nabanggit na foundation.

Tahimik kasi si Ate Vi. Hindi naman niya inilalabas iyan eh. Pero natatandaan namin, minsan may nakita kaming pasyente sa ospital, na nasabi sa amin mismo ng aming doctor na pasyente rin daw niya at ooperahan nga at ang Vilma Santos Foundation ang gumastos para rito.

Natatandaan din namin na minsang hinihikayat ni Ate Vi ang kanyang mga fans, iyong Vilmanians na magtayo rin ng isang foundation para matulungan ang mga kapwa nila Vilmanians, at maging ang fans ng ibang artista kung nalalagay sa gipit ang mga iyon.

 

ATE VI BATANGAS FOUNDATION ISANG KUNG NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with