Janno nakonsensiya sa mga katrabahong bata!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 3, 2014 - 12:00am

May mga previous offer na rin pala for Manilyn Reynes and Janno Gibbs na muling magsama sa isang project, pero laging tumatanggi si Janno. Lagi raw niyang sagot, saka na kapag maganda ang project.

 â€œSa palagay ko, ito na ang magandang project na hinihintay namin,” kuwento ni Janno sa pocket interview sa kanila nina Manilyn, Jillian Ward at Mona Louise Rey ng pre-primetime series nilang My BFF (My Best Friend is My Family).  “Sa pagti-taping namin ngayon, nakita pa rin ang chemistry namin noong kami pang dalawa ang magka-loveteam noong mga teenagers pa lamang kami.

“Marami ring magagandang pangyayari sa amin noong magkarelasyon na kami ni Mane, iyon nga lamang, hindi ito tumagal, umabot lamang ng four months.  Nagsimula kami ni Manilyn sa Feel na Feel movie namin na magkabati pa kami, pero natapos iyon na hindi na kami nagkikibuan.”

Natawa sina Janno at Manilyn nang ibuko sila ng isang reporter na kaya hindi nagtagal ang relasyon nila, nalaman na ni Manilyn na bukod sa kanya, girlfriend din pala ni Janno noon si Bing (Loyzaga), at preggy na ito.  Nasaktan talaga si Manilyn noon dahil si Janno ang kanyang first love.

Light comedy drama ang My BFF na anak nila si Mona Louise at may friendly ghost friend ito, si Jillian.  Sa direksyon ni Dick Lindayag mapapanood na ito simula sa June 23, bago ang 24 Oras.

Paano na ang problema kay Janno na lagi siyang nali-late sa taping o kahit sa mga live shows niya?  Iba na rin daw ngayon, alam na niya ang responsibilities niya sa taping lalo pa at may mga bata silang kasama sa show na alam niyang may regulations ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Aktor nagtago sa isang sulok ng airport, natakot dumugin

Nakasabay ng isang friend namin ang isang kilalang aktor sa isang domestic airport.  Hindi lang daw niya alam kung kasabay nila ng mga kasama niya sa flight pabalik sa Manila ang aktor, pero wala raw itong kasama at nakita nilang mag-isa lang na nakatayo sa isang sulok sa may departure area at hindi bumabati sa kumakaway sa kanya.  Biro daw tuloy ng mga kasama niya, baka akala nito ay pagkakaguluhan siya kaya nakatago lang sa isang sulok.  Kilalang tahimik ang aktor at shy lang sigurong makitsika sa iba.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT DICK LINDAYAG ISANG JANNO JILLIAN WARD MANILYN MANILYN REYNES AND JANNO GIBBS MONA LOUISE MONA LOUISE REY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with