Dance show ni Marian, ambisyong gayahin ang dating show ni Vilma
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 2, 2014 - 12:00am

Sinasabi nila, matagal nang hindi sumasayaw sa telebisyon si Governor Vilma Santos, pero nakumbinsi nga siyang maging guest at sumayaw sa isang bagong dance show ng GMA 7. Inamin naman nila na si Governor Vi ang kanilang inspiration sa bagong show na iyon. Inamin din nilang ang kanyang dating show, ang Vilma, na itinutu­ring noong pinakamalaki nilang show in terms of ratings at commercial load ang kanilang gustong gayahin.

Hindi lang basta TV show ang Vilma, iyon ay itunuturing na isang event. Natatandaan namin noong araw ang mahabang pila ng fans na gustong makapasok sa Metropolitan Theater kung saan iyon ginaganap, at ang likod naman ng Met ay puno ng mga nakaparadang bus ng mga fans na mula pa sa malalayong probinsiya. Minsan kailangan pa nilang maglagay ng TV monitor sa labas dahil hindi na nila kayang papasukin pa ang ibang audience.

Natatandaan namin noon, problema ng advertisers na gustong pumasok sa Vilma kung papaanong makakakuha ng commercial spots. Kasi nga laging loaded na ang show. Noong kalaunan, nauso pa iyong “six plus one” na tinatawag nila. Para makapasok ang commercial kay Vilma, hindi lang isa kundi pito ang ilalagay mo. Isa lang ang papasok kay Vilma at iyong anim ay ilalagay sa ibang shows. Kaya buhay noon at maraming commercials pati na ang mga morning shows ng GMA.

Noon, basta may gustong hingin ang mga manggagawa sa management at ayaw ibigay, magbabanta sila ng welga ng Friday, hindi puwedeng mang­yari iyon dahil malaki ang mawawala kung hindi mailalabas ang Vilma. Kaya mabilis na nakukuha ng mga manggagawa kung ano ang gusto nila.

But those were the days. Hindi na nga siguro mauulit iyon. Nga­yon, kailangan hakutin ang mga audience sa TV shows. May talent fee na rin ang ibang nasa audience, at tinuturuan ng crowd director kung kailan papa­lakpak at kung ano ang isisigaw nila. Ngayon, ang mga TV shows na ang naghahabol ng mga commercials, na tinitipid din naman ngayon dahil wala rin namang sales dahil masama ang ekonomiya.

Ngayon, iyong mga musical variety shows, buwan lang ang itinatagal. Ayaw na rin nila ng musical shows dahil magastos daw. Pero iyong Vilma noon, hindi lang ginagawang basta show. Talagang malaking weekly event na tumagal ng maraming taon.

Coney may delicadeza!

Kahit na noong media launch pa lang nila ng Ang Dalawang Mrs. Real, talagang tumatanggi na si Coney Reyes na magbigay ng comment tungkol kina Vic Sotto at Pauleen Luna. Bakit pa nga ba siya makikialam?

Nagkaroon sila ng relasyon ni Vic, pero mara­ming taon na ang nakararaan. Sinasabi nga niya, naging mabuting ama naman si Vic sa kanilang naging anak.  Tama naman si Coney. Lumalagay lang siya sa talagang dapat niyang kalagyan.

Aktres na dating reyna tuluyan nang nalaos

Minsan naiiyak din daw ang isang female star, dahil hindi naman lihim sa kanya kung ano ang talagang kalagayan ngayon ng kanyang career. Sino nga ba ang mag-iisip na bigla na lang siyang mawawalan ng assignment, eh dati kung ituring siya ay parang reyna? Wala rin naman siyang matakbuhang pelikula dahil walang kumita sa mga pelikulang nagawa na niya.

 

CONEY REYES DAHIL GOVERNOR VI KUNG LANG NILA VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with