Marian hindi natiis ni Ate Vi, nakipag-showdown
Jun Nardo (Pang-masa) - May 31, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Seksi-seksihan si Marian Rivera sa bago niyang endorsement bilang Bench model. Ito ang pangatlong endorsement niya na nagsisimula sa letrang B. Ang dalawang nauna ay ang Biofit at sinundan ito ng Belo.

Kaya naman titigilan na siya sa intrigang wala siyang maku­kuhang pangatlong endorsement na letter B ang simula ng pro­dukto, huh!

Eh, nalaman naming ididispley ang seksing billboard ni Yan Yan sa bandang Guadalupe, Makati City. Ito ‘yung hub ng naglalakihang billboards sa lugar at ayon sa manager niyang si Rams David, siya lang ang may record ng endorser na nagkaroon ng tatlong billboards sa Guadalupe, huh!

Nang pasyalan namin si Yan Yan sa taping ng pilot episode ng dance musical niyang Marian, seksi-seksihan din ang suot niyang damit sa opening number. Ang Domino Dance na ginawa noon ni Vilma Santos sa musical variety show niyang Vilma! ang isa sa pasabog niya.

Guest sa taping kahapon si Gov. Vilma. Pinagbigyan niya ang baby-baby niyang si Marian na umindak nang ilang minuto. Hindi naman siya binigo ng gobernadora na matapos turuan ni Geleen Eugenio ng steps na gagawin, presto! Taping agad siya’t nakipagsabayan ng sayawan kay Marian!

May tentative telecast date ang Marian sa June 22.

‘Ayokong maghirap siya’

Gov. Vi hindi binubuyong kumandidato si Luis

Nagulo ang lahat sa pagdating ni Governor Vilma Santos-Recto. Kanya-kanyang pakuha ng pictures sa gobernadora dahil nga bihira nilang makita ang da­ting star ng GMA Network.

Tinanong agad namin si Gov. Vilma kung ano ang masasabi niya’t napagbibintangan siyang umuudyok sa anak na si Luis Manzano upang pasukin ang pulitika.

“Gusto ko ngang diretsuhin ‘yan. Kasi na­mi-misinterpret ng iba na akala ako ang nag-i-encourage kay Lucky na tumakbo. Of course not!

“Alam ng anak ko ‘yan! paano ko i-encourage ang anak ko eh alam ko ang hirap niyan? Alam ko na…Nangyari sa akin. Ang laki nang natanggal sa income ko!

“Kaya lang, once you’re there, pinagkatiwalaan ka… Ano ang matatawag doon? You learn because ‘yun ang reality. Pero sakri­pisyo ito.

“Pero I can never, never encourage Lucky to run because ayo­ko ring maghirap siya nang ganoon. Unless manggagaling sa puso niya!

“Pag ‘yon ang…Pag siya ang personal na nagdesisyon, kaya ko ‘yan Mom, from his own decision, okey lang. Handa akong tumulong! Pero i-encourage siya? Of course not!  Hindi ko gagawin sa anak ko ‘yon!

“Saka si Lucky, lu­ma­ki na very independent. Never naming tinulungan ‘yan o nag­desisyon kami ni Edu o ng Tito niya o ako para sa kanya. Kung ano ang meron siya ngayon, sarili niyang desisyon.

“So who am I to dictate na ito ang gawin mo, anak! Of course not. He’s a mature person now, ‘di ba?”  paliwanag ng isang ina.

So handa na ba siyang magkaroon ng manugang kay Lucky?

“O, bat’ naman hindi! Ha! Ha! Ha! Ano gusto mong isagot ko? Ba’t naman hindi? Ha! Ha! Ha!

“Oo. Si Angel naman, balik na ‘yan eh. Naging close na sa pamilya ‘yan eh. Sabihin mo nagkakapaan? Of course not! Balik-pamilya na si Gel, ‘di ba?

“Kaya nang dinala siya uli sa akin ni Luis, sabi ko sa kanya, ‘Welcome home!’

“I think na mas maganda lang ngayon, mas mature ang relationship nila! Compared noon. Nakikita ko ang love and I could see the respect. That’s important!” pahayag pa ni Gov. Vilma Santos-Recto.

ALAM ANG DOMINO DANCE ANO KAYA SHY SIYA VILMA YAN YAN YAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with