Itsinitsismis pa sa mga kamag-anak, kaibigan ng celeb bumaligtad na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 24, 2014 - 12:00am

Malabo na nga bang magkaayos ang isang celebrity at ang kanyang mga relatives ngayong ang dating tumutulong sa celebrity para makausap sila ay bumaligtad na raw at siya pang nagkuwento ng hindi maganda tungkol sa boyfriend ng celebrity? 

Nagtampo raw kasi ang tumutulong sa cele­brity dahil hindi na nito hinihingi ang mga opin­yon niya tungkol sa mga bagay-bagay, kaya sabi raw nito “bahala na siya sa buhay niya!”

Juday masaya kay Sarah, tunay na kaligayahan nahanap na

Hindi itinanggi ni Judy Ann Santos-Agoncillo, nang makausap siya sa Pep List Awards night na masaya siya para sa iti­nuturing niyang ‘sister’ na si Sarah Geronimo. 

Hindi na rin naman ilang beses silang nagkasama ng Pop Princess sa mga okasyon, pero halos nag-trending sa Twitter ang picture posted by her husband Ryan Agoncillo sa Instagram account nito na magkakasama sila at ang nali-link kay Sarah na si Matteo Guidicelli sa isang event last Sunday. Pero pakiusap niya na hayaan na lamang si Sarah kung ayaw man nitong umamin sa tunay nilang relasyon ni Matteo, basta nakita raw niya nung magkakasama sila na masaya si Sarah. 

Biro pa niya, kahit daw isang nagtatrabaho lamang sa kalye ang makasama ni Sarah, basta ma­ligaya ang singer/actress, ma­­saya siya for her dahil “she deserves to be happy.”

Hindi raw nababagay sa loob, Direk Maryo inaming pinatalsik sa seminaryo

Sa grand launch ng bagong drama series ng GMA7 na Niño, naikuwento ni direk Maryo J. delos Reyes, na parang advocacy na niya ang gumawa ng mga movies or shows na magpapakitang sa kabila ng mga malulungkot na nangyayari sa buhay, may naghihintay pa ring magandang bukas. 

Ilan sa mga ginawa niyang mga proyektong may ganitong tema ang Magnifico, Bamboo Flowers, Munting Heredera, at ngayon nga itong Niño.

Ikinuwento rin ni Direk Maryo na dati siyang pumasok sa seminary at apat na taon siyang tumagal doon, pero hindi raw siguro ang pagpapari ang kanyang “calling”. 

Nang nandoon pa siya “ginugulo” raw niya ang seminary dahil kapag may prog­ram sila roon, nagdadala siya ng mga kaibigang nagpi-perform kaya ipi­natawag siya minsan at sinabihang hindi iyon ang lugar para sa kanya. Pero sina­bihan din siyang puwede na­man siyang mag­lingkod sa Diyos sa pa­mamagitan ng mga projects na magbibigay ng ins­pirasyon sa mga tao, lalo na doon sa mga naghahanap ng tunay na pag-asa sa buhay.

Kaya itinuring ni Direk Maryo na isang malaking hamon sa kanya ang Niño lalo pa at binigyan siya ng cast na overwhel­ming ang mga talents, sa pangunguna ng dalawang tween stars na ibini-build-up ng network, sina Miguel Tanfelix as Niño, na malaki ang pana­nampalataya sa Diyos sa kabila ng kakulangan nito sa pag-iisip, at Bianca Umali as Angelica, ang best friend na hindi siya iiwanan. 

Humanga rin si Direk Maryo sa bibong batang si David Remo as the misteryosong si Tukayo. 

Simula na ito sa Lunes, May 26, pagkatapos ng 24 Oras.

BAMBOO FLOWERS BIANCA UMALI DIREK MARYO SHY SIYA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with