^

Regalong relos ni Dingdong, ipinamigay ni Marian

Jun Nardo (Pang-masa) - May 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Namigay ng biyaya si Marian Rivera sa masuwerteng napili sa Bayanihan of the Pipol ng Eat Bulaga na taga-San Mateo Rizal kahapon.

Una munang binigay ni Marian ang relos na suot niya sa nag-iisang anak ng contestant na si Sabina. Regalo ‘yon sa kanya ng boyfriend na si Dingdong Dantes, huh!

Nakantiyawan nga si Marian ni Vic Sotto na galante na ngayon, huh! Biro pa ni Bossing, tissue raw ay kinukuripot pa ni Marian!

Bago lumabas sa segment, naka-post sa Instagram account ang isang wallet na may paru-paro sa zipper. Nakalagay roon ang tanong niya na, “Kanino kaya mapupunta ito?”

Dala-dala ng bida ng Carmela ang pink wallet na ‘yon sa bahay ni Sabina at ibinigay niya ‘yon bilang Puhunan ni Yan Yan sa negosyong gustong itayo ng single parent.

Take note na ang TAPE, Inc. executive na si Tony Tuviera ang naghanap kay Ma­rian upang gawing artista. Naging manager man niya si Popoy Caritativo, in the end, bumalik din siya sa poder ng dating pamilya.

Kaya naman ang pagdalaw niya sa Juan for All, All for Juan ay paraan niya ng pagtanaw ng utang na loob. Sumugod siya sa segment ng EB upang mag-share ng blessings at walang halong promotions!

JOEL TORRE ISANG BUWANG PINAGPAPAHINGA NG DOKTOR

Nag-back out na daw si Judy Anne Santos sa indie movie na Marikina na entry sana niya sa Cinemalaya.

Nagkaroon daw kasi ng changes sa cast nang mag-beg off si Joel Torre sa movie. Nagkaroon daw kasi ng hypertension ang aktor at pinayuhan ng doktor ng isang buwang pahinga.

Ang dinig namin, si Carmina Villaroel ang pumalit kay Juday.

AKTOR NA BAKLANG-BAKLA, GRABENG MAG-MODULATE NG BOSES

Grabe naman kung mag-modulate ng boses ang isang aktor sa guestings niya sa TV, huh! Halata tuloy na nagpapakalalaki siya eh kalat na kalat naman sa showbiz ang pagiging paminta niya, huh!

May bago kasing pinu-promote ang aktor kaya todo ang ikot niya sa mga programa sa radyo at TV. Guwapo man ang dating niya sa fans, lihim naman siyang pinagtatawanan sa showbiz dahil sa pagpapalaki ng boses niya, huh!

BAYANIHAN OF THE PIPOL CARMINA VILLAROEL DINGDONG DANTES EAT BULAGA JOEL TORRE JUDY ANNE SANTOS MARIAN RIVERA NAGKAROON NIYA POPOY CARITATIVO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with