Greta at pamangking si Dani, dinurog si Claudine
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 15, 2014 - 12:00am

Binalikan ni Gret­chen Barretto at ng kanilang pamangking si Dani Barretto ang ginawang statement ni Claudine Barretto. Sabay na inilabas ang interview ni Claudine sa dalawang TV shows kung saan marami s­iyang sinabi tungkol sa kanyang asawang si Raymart Santiago at sa kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie.

Sa kanyang blog, sinabi ni Dani na walang ibang nagbigay ng suporta at nagpalaki sa kanila kundi ang kanilang inang si Marjorie Barretto. Anak ni Marjorie si Dani sa kumedyanteng si Dennis Padilla. Sa kanyang interview, sinabi ni Claudine na siya ang sumuporta sa kanyang pamangkin. Sinabi rin ni Dani na kung anuman ang naririnig ng iba, hindi totoo iyon.

Sa kanyang statement naman, sinabi ni Gretchen na kasinungalingan ang sinasabi ni Claudine na siniraan niya ito habang naririnig ng asawang si Raymart at ng kanilang mga anak. Sinabi ni Claudine na tinawag siyang mataba, lechon, at laos ng kapatid niyang si Gretchen, na ginantihan naman niya sa kanyang interviews sa pagsasabing ang mukha noon ay tadtad na ng saksak ng botox.

Sinabi ni Gretchen sa kanyang social networking account, dahil nasa abroad siya ay hindi siya makikipagtalo kay Claudine at sinasabi niyang nagkakaroon lamang ng hallucinations ang kapatid, na may problema sa pag-iisip at isang drug dependent.

Pati ang kanyang mga magulang na kampi kay Claudine ay binanatan ni Gretchen. Sinabi pa niyang ang kanilang inang si Inday Barretto ay isang babaeng sana ay hindi na makatulad nang sinumang ina. Lumabas na naman ang matinding galit ni Gretchen.

Pinuri naman ni Claudine ang kanyang pamangking si Julia na bida na ngayon sa isang teleserye at sinabing kahit na raw noon ay sinasabi niyang siya ang magmamana ng kanyang trono. Pero kung natatandaan ninyo, ang sigalutan nila ay nagmula sa isang post ni Claudine noon sa kanyang social networking account na laban kay Julia, kaya ipinagtanggol naman iyon ni Gretchen at nagsimula na nga ang kanilang awayan sa pamilya.

CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO DANI DANI BARRETTO DENNIS PADILLA GRETCHEN INDAY BARRETTO KANYANG SINABI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with