^

Pang Movies

Dingdong makiki-mother’s day na lang kay Marian!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina. Special day for the GMA Primetime Queen ang Mother’s Day, kaya after ng launch niya as the new endorser of Belo Medical Group (BMG) for Laser Hair Removal and Venus Freeze, at pinatunayan ni Dr. Vicki Belo na hindi edited ang kanyang mga billboards tulad ng kini-claim ng ibang tao. 

Ayon sa doktora nakita raw niya ang naked body ni Marian nang gawin niya ang laser hair removal nito sa armpit, legs, at bikini area kaya alam niyang totoong lahat ang parte ng katawan ng actress. Nagpasalamat si Marian kay Dr. Vicki at sa anak nitong si Crystalle dahil masyado silang maalaga sa kanya nang makabilang na siya sa BMG family, tulad ng boyfriend na si Dingdong Dantes.

Free day ni Marian ngayon kaya maghapon niyang makaka-bonding ang kanyang Mama Amelia at lola Francisca, dalawang mahahalagang babae sa buhay niya. Mayroon pa siyang gustong gawin ngayong araw na ito, pero ayaw muna niyang sabihin hanggang hindi raw sigurado. Idi-dinner daw niya ang mama at lola niya tonight at kung hindi kami nagkakamali, guest siguro niya si Dingdong dahil wala pala rito sa bansa ang mommy ng boyfriend, nasa Las Vegas daw si mommy Angeline.

Natanong din pala si Marian Rivera kung payag siya na i-remake niya ang high-rating Koreanovela, ang epic romantic-comedy na My Love from the Star na pinu-push ng mga fans, iyong iba nga ang gusto ay muli silang magtambal ni Alden Richards, ang leading man niya sa Carmela. Ang iba naman ay gustong sila ni Dingdong Dantes ang magtambal, dahil bagay daw kay Dingdong ang role ni Matteo, na parang knight of the shining armor. Inamin ni Marian na minsan ay napapanood niya ang Ko­reanovela at natatawa nga siya sa character ni Steffi na parang komedyante.

Pero kasalukuyan pa raw itong napapanood sa GMA 7 bago ang 24 Oras at siya naman ay tinatapos pa ang Carmela. 

May sisimulan pa siyang dance-musical show. Si Dingdong ay magsisimula pa lamang ipalabas ang bago nitong soap, ang Ang Dalawang Mrs. Real sa June 2. Magdi-depend daw iyon sa GMA.

ALDEN RICHARDS

BELO MEDICAL GROUP

CARMELA

DINGDONG DANTES

DR. VICKI

DR. VICKI BELO

LAS VEGAS

LASER HAIR REMOVAL AND VENUS FREEZE

MAMA AMELIA

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with