^

Pang Movies

Chynna, expert na sa pagiging lesbyana

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Magaling na artista si Chynna Ortaleza kaya paborito siyang kunin ni Direk Joel Lamangan sa kanyang mga pelikula. Kasama ito sa Hustisya na pinagbibidahan ni Nora Aunor. Nagkasama na ang dalawa sa isang indie film kaya gamay na nito sa pakikipagtrabaho sa superstar. Puring-puri niya si Guy na kapag nakaarte siyang mabuti ay makaririnig siya nang magagandang salita tungkol mula sa batikang aktres.

“Kaya nga kapag magkasama kami sa eksena at kaharap ko siya ay pinagbubutihan ko talaga ang aking pag-arte. Nakakahiya sa kanya,” pahayag ni Chynna.

Kapag isang lesbyana ang karakter na napupunta kay Chynna ay nailalarawan niya itong mabuti kaya hindi lang sa pelikula kundi kahit sa TV series o drama anthology ay paborito siyang kunin para sa nasabing papel.

Sa pelikulang Hustisya ay isa uli siyang lesbyana na kasama ni Guy (Biring) sa kulungan. Dark ang character na inilalarawan ng superstar sa Hustisya sa direksyon ni Joel Lamangan at sa panulat ni Ricky Lee.

Igan walang interes sa pulitika

Nagkaroon ng bonggang launching ang IGAN Foundation sa kanyang Adopt-a-Diabetic Child Program na isinasagawa sa nagdaang apat na taon.

Ngayon ay nakakuha ng sponsor si Arnold Clavio, ang RiteMed na inilunsad naman ang Insulyf, isang insulin drug para sa Type 1 Diabetes. Para mahikayat ang mga pasyente sa  paggamit ng insulin, ang Insulyf ay may mababang presyo kumpara sa ibang mga brand.

Ang IGAN Foundation ay patuloy na sumusuporta sa programang Adopt-a-Child with Diabetes ng PGH Pediatric Department.

Naging guest sa presscon si Dra. Sioksoan Chan-Cua na maraming ibinahaging makabuluhang bagay tungkol sa diabetes.

Sa kabilang banda tinanong namin si Arnold kung papasok ba siya sa pulitika balang araw?

Anang newscaster;  “Naku! Tama na sa akin ang maging abala sa pagtulong sa aking IGAN Foundation. Nakakatulong na ako sa aking kapwa.”

Bukod sa 10 pasyente na tinutulungan ng foundation sa ilalim ng Adopt-a-Diabetic Child Program may 100 beneficiaries pa rin ito na nabibiyayaan lalo na kung Kapaskuhan ayon pa sa mabait na TV host-newscaster.

Martin sumabak agad kina Jennylyn at YASMIEN

Kapuso na si Martin del Rosario mula sa pagiging Kapamilya. Siya ang bagong karakter na kasama sa Rhodora X. Magkakaroon ito nang kaugnayan kina Jennylyn Mercado bilang Rhodora at Roxanne gayundin kay Yasmien Kurdi na gumaganap bilang Angela.

Lalong naiinis ang mga manonood kay Jen dahil sa pagpapahirap nito kay Yasmien. Sinabi na ni Jen na ang teleseryeng ito ang pinakamahirap sa lahat ng proyektong nagawa niya.

ARNOLD CLAVIO

CHYNNA

CHYNNA ORTALEZA

DIABETIC CHILD PROGRAM

DIREK JOEL LAMANGAN

HUSTISYA

INSULYF

JENNYLYN MERCADO

JOEL LAMANGAN

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with