Yeng aminadong iniisnab na ang mga kamag-anak
Roland Lerum (Pang-masa) - May 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kalat na ang balitang naiinis ang ibang mga kamag-anak ni Yeng Constantino sa kanya.  Kesyo para raw siyang kung sino. Ni hindi makakilala. Kahit puntahan daw sa bahay, ayaw humarap. Gaano katotoo ito, Yeng?

“Totoo po ito pero ‘di po ako apektado. May mga kamag-anak kasi kami sa Malabon sa side ng tatay ko. E, hindi ko nga maharap minsan. Siguro nagtatampo na sila. E kasi naman, ‘yung tatay ko, very protective sa akin. Ayaw niya kasi akong maistorbo lalo na kung nagpapahinga ako.”

Magdiriwang sa June bilang mag-nobyo sina Yeng at boyfriend, Yan Asuncion, ng kanilang first anniversary. Kukumbidahin ba niya ang mga kamag-anak?  “Welcome po silang lahat ‘pag ikinasal na ako,” promise ni Yeng.

Vince Tañada sinusuwerte

Mukhang sunud-sunod yata ang suwerte ni Vince Tañada ngayon. Matapos manalong Best New Actor sa PMPC Star Awards for Movies, ngayon naman, ginawarang Best Stageplay ang kanyang Bonifacio mula sa KBP Golden Dove Awards.

Sabi tuloy ni Vince, lalo niyang pagbubutihin ang pagiging aktor, writer at director sa teatro at kahit sa pelikula, kung gagawa man siya gaya ng Otso. 

Dalawang pelikula ang tinatapos ni Vince mula sa kanyang panulat at direksyon, under din ito sa kanyang sariling produksyon. 

 

BEST NEW ACTOR BEST STAGEPLAY GOLDEN DOVE AWARDS STAR AWARDS VINCE VINCE TA YAN ASUNCION YENG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with