Aliwan Reyna 2014, taga-Cebu uli!
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - May 5, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Itinanghal si Steffi Aberasturi ng Cebu na 2014 Reyna ng Aliwan Fiesta nang kanyang pataubin ang 16 pang mga kandidata sa ta­unang timpalak-pagandahan ng Mani­la Broadcasting Company at Star City. Sadyang matamis ang pagkapanalo ni Steffi dahil nakamit muli ng Lumad Basakanon ng Cebu  ang kampeo­nato sa streetdance competition ng taong ito. 

Pumangalawa sa mga reyna ang crowd favorite na si Shaira Lenn Roberto, na si­yang kinatawan ng Singkaban festival ng Bulacan. Kapwa idineklara namang mga second runner-up sina Michelle Monte ng Iloilo Dinagyang, Hazel Mae Trasmonte ng Sinulog ng Kabankalan, at si Maria Gigante ng Palawod festival ng Bantayan Island sa Cebu.

Iniuwi rin ni Aberasturi ang mga special award para sa Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, Best in Festival Costume, at Miss Unique Smile.  Si Gigante naman ay hinirang bilang Star of the Night noong pageant.  Miss Photogenic naman si Lulette Ramilo ng Bambanti festival sa Isabela.

Ang inampalan para sa 2014 Reyna ng Aliwan Fiesta ay binuo nina Deo Macalma ng DZRH, 2013 Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida, designer Frederick Peralta, Pete Dacuyuy ng Mutya ng Pilipinas, at si Celle Caballero ng Globe Telecom. 

Maaari muling matunghayan ang makulay at maningning na Aliwan Fiesta sa TV Special nito na ipalalabas sa ika-20 ng Mayo, alas-siete ng gabi sa PTV-4.  Tampok din bilang hosts ng TV Special ang magkapatid na Ana at Irina Feleo.

 

ALIWAN FIESTA ARIELLA ARIDA BANTAYAN ISLAND BROADCASTING COMPANY CEBU CELLE CABALLERO DEO MACALMA EVENING GOWN FESTIVAL COSTUME
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with