Carla ayaw ipilit ang sarili kay Tom
Jun Nardo (Pang-masa) - April 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Never nakialam si Tom Rodriguez sa personal life ni Carla Abellana kahit sa loob ng anim na buwan ay lagi silang magkasama noon sa taping ng My Husband’s Lover, U.S. concert tour at shooting ng So It’s You.

“Kumbaga work is work. Let’s leave our personal life. Eh hindi naman kami nagha-hang out together after work so I would say that it’s purely professional lang. I wouldn’t say he’s a friend’s friend!” rason ni Carla.

Magkaibigan ang turingan nila dahil sa trabaho at hindi ‘yung magkaibigan kahit walang trabaho. Hindi nga lang niya alam kung posible siyang ma-in love kay Tom.

“Ang love naman, hindi mo alam ‘yan eh. Hindi mo alam kung sino or kelan,” tugon niya.

Mabuti namang tao ang tingin ni Carla kay Tom. Ayaw nga lang niyang pilitin ang sarili na ma-in love siya sa kapareha nang agad-agad.

“Matagal na process ‘yan (break up). Kita naman ninyo sa mata ko, ‘di ba? Hindi pa moved on. Buti sana kung isang tulog ‘yan. It will take time. Sa ngayon, wala na talaga pero you will never know kung paano tayo isu-surprise ni God!” katwiran pa ng aktres.

 

Aktres nabibingi at lutang sa tambak na raket

Lutang o mahina kaya ang pandinig ng isang aktres? Ito ang napansin ng ilang writers na kumausap sa kanya sa isang showbiz event.

Nang tanungin kasi ang aktres, pinaulit niya ang tanong sa writer. Naging normal ang interbyuhan and then sa isang tanong uli, pinaulit na naman ‘yon ng aktres, huh!

Eh that time, aligaga ang aktres pala. Kasi naman, magkakasunod ang lagare niya. Kaya naisip ng writer na wala sa event ang konsentrasyon ng aktres kundi sa mga susunod na trabaho!

In demand na rin naman kasi ang aktres na ngayon niya lang naramdaman sa career niya. So kung mahina man ang pandinig niya o lutang lang sa kangaragan, inintindi na lang siya ng writers na kausap niya.

 

Mga showbiz personality na kasama sa state dinner, nagpabonggahan ng outfit

Bumalik na ng Amerika si President Barack Obama. Hanggang sa paglipad ng kanyang Air Force One ay detalyadong kinober ng mga TV stations.

Ratsada ang lahat ng news program simula pa nu’ng Sabado nang mahuli sina Cedric Lee at kasama, sa Samar. Sinundan ‘yon ng canonization ng dalawang bagong Santo sa Vatican at nitong Lunes, ang pagdating ni Obama sa bansa.

Siyempre pa, ang ginawang state dinner sa Malacañang nu’ng Lunes ang highlight ng state visit. Ang ilan nga sa showbiz bigwigs na nandoon na nakalagay sa social media ay ang pagsama-sama nina Mother Lily, Roselle Monteverde, Charo Santos Concio, Boy Abunda, at Kris Aquino.

Patalbugan kasi ng mga suot dahil memorable event ‘yon sa ating bansa at who’s who lang talaga ang invited sa mundo ng pulitika, negosyo at entertainment, huh! Tonight sa Wednesday Club, chichi­kahin namin si Mother sa kaganapan sa dinner na ‘yun dahil nakulangan kami sa coverage ng news programs, huh!

AIR FORCE ONE AKTRES BOY ABUNDA CARLA CARLA ABELLANA CEDRIC LEE CHARO SANTOS CONCIO NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with