^

Sasakyan ng kaibigan ginagamit pamick-up ng babae, drama actor hindi humuhupa ang kalibugan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 26, 2014 - 12:00am

Hindi pa rin pala tumitigil sa kanyang pagiging babaero ang drama actor na ito kahit na ilang beses na siyang hiniwalayan ng kanyang partner sa buhay.

Tuwing may gagawin ngang kalokohan ang drama actor, nakararating ito agad sa kanyang live-in girlfriend at nilalayasan siya nito.

Pero gumagawa naman ng paraan ang drama actor na mapatawad siya ng kanyang girlfriend. ‘Yun nga lang ay uulit-ulitin pa rin niya ang kanyang pambababae.

Noon pa man, binata pa lang daw ang drama actor na ito, babaero na raw talaga ito. Kaya kung kani-kanino siya nali-link noon pero wala naman siyang siniseryoso.

Inakala ng lahat na titino na ito noong makipag-live in na sa kanyang girlfriend. Pero mas lalong tumindi ang pagiging babaero ng aktor dahil alam niyang kahit na may gawin siyang mali, patatawarin siya ng kanyang partner.

Ang style raw ni drama actor para hindi siya mabuking na siya ang namimik-up ng babae ay ga­gamitin nito ang sasakyan ng isa sa mga kaibigan niya.

May kasama siyang driver at nasa likod lang siya. Kapag may type siyang babae na io-offer ng kilala nilang bugaw, papasakayin ito sa likod at magugulat na lang ang babae na si drama actor pala ang pumik-up sa kanya.

Hindi naman niya puwedeng gamitin ang sarili niyang sasakyan dahil makikilala siya agad at mabilis na masusumbong siya sa kanyang partner.

Hanggang ngayon ay old school pa rin ang style ni drama actor, dahil ganun pa rin ang style niya. Kaso, uso na ang mabilis na pag­hahatid ng information via cell phone kaya tuwing may pick-up siya, may nagpapadala ng message sa girlfriend niya kaya nabubuking siya.

Gayun pa man, wala pa ring takot si drama actor sa kanyang pambababae dahil hindi talaga humuhupa ang libog nito sa katawan.

Nagpapasalamat na lang siguro ang girlfriend ni drama actor na wala silang nababalitaan na may naanakan na itong ibang babae. Or else tutuluyan na niya itong iiwan.

Bibida na, Miguel Tanfelix sasabak sa challenging na role

Sobrang natutuwa nga ang former Starstruck Kid runner-up na si Miguel Tanfelix dahil sa magandang break na ibinigay sa kanya ng GMA 7 bilang bida sa teleserye na Niño.

Marami raw mga magagandang aral sa buhay ang ipaaabot ng Niño sa mga televiewers nito, at ‘yun ang ipinagpapasalamat ng teen actor dahil makatutulong siya na maipaabot ito sa mga kaedaran niya.

“Marami po silang matututunan sa Niño. Pampamilya po itong teleserye namin at sana ay gabi-gabi panoorin nila kapag nagsimula na kaming umere,” ngiti pa ni Miguel.

Gaganap nga bilang isang mentally-retarded teenager si Miguel at ang kanyang magiging kaibigan dito ay isang bata na Sto. Niño incarnate played by David Remo.

Makakasama pa nila sina Bianca Umali, Tom Rodriguez, Katrina Halili, Lotlot de Leon, Neil Ryan Sese, German Moreno, Dante Rivero, Gerald Napoles, Ces Quesada, Luz Valdez, Julian Trono, Vincent Magbanua, and Ms. Gloria Romero.

Mula ito sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Jodie Foster ikinasal na sa longtime girlfriend

Ikinasal na ang two-time Oscar best actress na si Jodie Foster sa photographer na si Alexandra Hedison.

Sa E! News unang lumabas ang balita nang pagpapakasal ni Foster sa kanyang longtime girlfriend.

Ginawa nang public ng 51-year old actress ang kanyang pagiging gay sa kanyang acceptance speech noong 2013 Golden Globe Awards.

 â€œI already did my coming out about a thousand years ago back in the Stone Age,” pagbiro pa ni Foster.

Ang 44-year old girlfriend nga ni Jodie na si Ale­xandra ay dating nakarelasyon ng comedian-TV host na si Ellen DeGeneres. TV actress din ito at lumabas ito sa showtime series na The L Word.

ACTOR DRAMA GIRLFRIEND JODIE FOSTER KANYANG MIGUEL TANFELIX SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with