Kabaklaan ni Sef kinopya ni Kristoffer
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 25, 2014 - 12:00am

Nagdalawang-isip si Kristoffer Martin nang i-offer sa kanya ang role ni Christopher Aguinaldo sa episode na Siga Noon, Beki Na Ngayon episode ng Magpakailanman ni Mel Tiangco na mapapanuod bukas, April 26, after ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7. Ipinabasa muna kay Kristoffer ang script, at hindi naman pala throughout na bakla si Christopher, in fact nang makausap niya ito nang personal, two years pa lamang itong nagladlad, dahil kailangan na nitong gawin iyon.

Una raw naisip ni Kristoffer, kakayanin ba niya? Can he give justice to the role? Dahil first time niyang gaganap na isang bakla. Tapos ang huhusay pa ng mga kasama niya, sina Michael de Mesa at Sharmaine Buencamino ang parents niya, ang kanyang love interest naman ay si Mark Herras, na idinerehe ni Neal del Rosario. For his role, inamin ni Kristoffer na ang peg niya ay ang kapwa actor na si Sef Cadayona na mahinhing bakla. Pinapanood daw niya si Sef sa Vampire ang Daddy Ko at sa Bubble Gang at hindi raw ito screaming faggot na tulad ng mga ibang bakla. Inamin ni Kristoffer na nung bagong pasok siya sa showbiz, medyo naiilang siya sa mga beki pero ngayon ay nasanay na siya dahil iyon ang ambiance sa industriya. Nanibago lamang siya nang pinagsuot na siya sa set ng damit-babae cum false eyelashes, make-up at hair extension. 

Sa ngayon, wala pang bagong soap si Kristoffer kaya may time pa siyang magbakasyon, sa May 3, pupunta sila sa Boracay ng mga San Beda friends niya at doon na sila magkikita-kita ng mga kaibigang sina Derrick Monasterio at Hiro Peralta.

Diva inaapela ng fans na bigyan ng break

Bilib kami sa mga fans ng StarStruck 5 second princess na si Diva Monteleba dahil nagri-request sila sa GMA Network na bigyan na ng malaking break ang kanilang idolo. Nakita naman na raw kung gaano ito kahusay umarte sa mga soap na nagawa na nito maging sa husay sa pagsayaw nito sa Sunday All Stars. Bagong pasok ang character ni Diva sa afternoon prime na Villa Quintana.

Sa lifestyle show na Mars, hosted nina Camille Prats at Suzi Entrata, magpapakita ng husay sa pagsayaw si Diva at si Rochelle Pangilinan.

Isi-share din nina Rochelle at Diva ang kanilang love life. Mapapanuod na ito mamayang alas-siyete ng gabi sa GMA News TV.

Eula in love na kay Dan Marsh ng Juan Direction?

Sinagot na ng TV5 ang pagtatanong ng mga fans ni Eula Caballero sa pagpasok ng bagong sitcom na One of the Boys. Tampok dito ang limang hunks ng Juan Direction at si Joey de Leon. How true na smitten na raw si Eula ng hunk na si Dan Marsh? Mapapansin daw ito once nagsimula nang mapanood ang sitcom sa Sabado, May 3, at 9:00 p.m.

BEKI NA NGAYON BUBBLE GANG CAMILLE PRATS CHRISTOPHER AGUINALDO DADDY KO DAN MARSH JUAN DIRECTION KRISTOFFER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with