^

Pang Movies

Marian Rivera, record-breaking ang fans’ day sa Roxas City

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mainit ang naging pagtanggap ng mga Capiznon kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nagresulta sa isang record-breaking Kapuso Fan’s Day sa kauna-unahang pagbisita niya sa Roxas City nitong Sabado, April 12.

Libu-libong supporters ni Marian ang dumayo sa Event Center ng Robinsons Place Roxas noong hapong iyon, lahat ay sabik na makita nang personal ang kanilang idolo. At hindi naman sila nabigo dahil ang Carmela lead star ay hindi nag-aksaya ng panahon at game na game na in-entertain ang kanyang fans.

Mula noong magbukas ang mall nitong nakaraang February, ang fans’ day ni Marian ang nagtala ng record na may pinakamaraming audience sa isang event—isang tumataginting na 8,000 crowd estimate.

At dahil na-touch sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Capiznon, hindi na napigilan ni Marian ang mapaiyak. “Hindi ko talaga in-expect na ganito ‘yung magiging pagtanggap sa akin dito sa Roxas City to think first time ko na bumisita rito. Naluha talaga ako kanina sa tuwa pagtapak ko sa stage at nakita ko silang lahat, ganoong ka-init ang pagsalubong nila sa akin at kitang-kita ko na taos sa puso nila akong tinanggap,” ani Marian.

Noong 2013, nilibot ni Marian ang Luzon, Visayas, at Mindanao para sa mga mall show at fans’ day na sing-successful din nito. Sa kanyang tuwa sa ipinakita ng mga Capiznon sa kanya, ipinangako ni Marian na babalik siya sa Roxas City para sa mas entertaining pang regional trips.

CAPIZNON

CARMELA

EVENT CENTER

KAPUSO FAN

KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA

LIBU

MARIAN

ROBINSONS PLACE ROXAS

ROXAS CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with