^

Pang Movies

Daniel naghihintay lang ng imbitasyon ni Heart sa kasal

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinisigurado ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero na ang last man in her life.

Sabi kasi niya, “Siya na talaga, may iba pa ba? Kaya nga nitong magpunta kami sa Paris, France ay talagang gusto kong mag-enjoy doon na kasama ang lalaking pinakamamahal ko.”    

Kumpirmado ring pakakasal sila bago mag-2016. 

“That’s for sure. Marami lang kaming inaasikaso pa. But next year will be the best year for us to settle down,” diin ng aktres.    

Sabi ni Heart, kahit ’yung ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga ay walang problema sa kanya.

“After we broke up two years ago, nag-uusap naman kami and we remain friends,” dagdag niya.    

Umamin naman si Daniel na magkaibigan pa rin sila ni Heart kahit hindi na sila. 

“I am happy for her at ’pag binigyan niya ako ng invitation a-attend ako sa kasal niya,” sabi ng Brapanese. 

Sarah consistent sa paliwanag sa ‘anak’

Atat na atat nang gumawa ng teleserye o pelikula ang comebacking star na si Sarah Lahbati. 

“Na-miss ko talaga ang TV at movies nung nasa ibang bansa pa ako,” pag-amin niya. 

Welcome sa kanya kung makakatrabaho niya muli ang karelasyong si Richard Gutierrez.      

Hanggang ngayon ay dini-deny pa rin ni Sarah na ang pagkakaroon ng anak ang dahilan kaya bigla ang kanyang pag-alis. Nag-speculate lang daw ang mga tao.    

“People can talk ang speculate what they want about us. But we know better. Hindi na lang namin pinapansin dahil wala namang katotohanan. Richard and I are more than friends, kung ’yun ang gusto ninyong itanong,” sabi ni Sarah.                                                     

ATAT

CHIZ ESCUDERO

DANIEL MATSUNAGA

HEART EVANGELISTA

RICHARD AND I

RICHARD GUTIERREZ

SABI

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user