^

Pang Movies

Anne ginagawan ng ingay pati ng detractors?!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

At least, gumawa ng balita ang mga dikya!

May pinag-usapan tungkol kay Anne Curtis at sa mga mangyayari sa loob ng Dyesebel show. Sa ngayon na walang gaanong excitement sa palabas, kailangang tulungan muna sila ng mga alingasngas na gawa ng fans, o kahit ng detractors.

Sige na, patulan muna ang reklamo na sinisiraan ang would be opera singer ng kanyang detractors!

 

Dyesebel taob sa bonggang production design ng Kambal Sirena

Higit na bongga ang production design ng Kambal Sirena sa Dyesebel. Kitang-kita sa set ng dalawang mermaid teleserye, pati na sa mga head dress na suot ng mga sirena.

Very elaborate ang suot ng mga mermaid sa Kambal Sirena kung ikukumpara sa mga nasa ulo ng mga seksing may buntot ng Dyesebel. Kaya lang, mahirap namang kumilos sa karagatan na may suot ng ganoong kabibigat sa ulo! Paano sila kikilos kapag lumaban sa digmaan sa tubig?

 

Sam nanamlay lalo ang career

Simula na ng Sexiest Woman botohan sa FHM magazine this week. Open ang search para sa lahat ng magaganda at sexy women in the country. Ma­rian Rivera emerged the winner last year.

Tinanggal niya sa trono ang two-year reign ni Sam Pinto. Ewan kung bakit nawasak ang puwersa ng suporta ni Sam. Natulog sa pansitan ang mga nagpapadala sa starlet ng kinolektang magazine ballots at e-mail votes.

Kung noong nagwawagi si Sam Pinto ay nanamlay pa rin ang showbiz career, higit siyang nanahimik nang ma-luz valdez (loser). Bumangon kaya siya from the grave ngayong mga buwan ng pilian ng sexiest woman?

Sana noon pa nag-pick up ang kanyang career pero hindi man nakaahon as mere leading lady of leading male attractions si Sam. Baka ang gusto lang niya talaga ay magpa-sosyal bilang commercial endorser and ramp model. Sayang naman ang panahon at effort ng kanyang mga manager.

Cesar Milan babaguhin ang man-dog relationship

For dog and other pet lovers, isang big event ang show ni Cesar Milan sa Eastwood, Quezon City on April 29. Sa pagtatanghal ng bantog na animal trainer, puwede pang maturuan niya ng mga trick ang inyong mga aso.

All over the world, maraming nagugulat kay Milan na binubulungan lang ang inyong mga alagang aso ay matututo na ng kakaibang tricks.

Isang hinihintay na bahagi ng palabas ay ang question and answer portion, kung saan puwedeng tanungin si Cesar ng lahat ng bagay tungkol sa pag-aalaga ng aso, o ng man/dog relationship.

Ang sabi nga nila, the Cesar Milan show can change your life.

 

Vhong ayaw nang pansinin ng GMA

Mukhang hindi na pinapansin ng GMA 7 ang mga latest development sa kaso ni Vhong Navarro. Naging exclusive item na lang ang dancer/TV host ng ABS-CBN.

Mahirap naman kasing maging mouthpiece sila ng kampo ni Cedric Lee at baka mapagbintangan ang Kapuso Network ng may kinikilingan! Lalo pa kung ang hustisya ay papaling sa panig nila Vhong.

 

Fans nina Daniel at Enrique nagpapahinga sa pagbili ng album

Ang Acoustic Noel album ni Noel Cabangon at ang KZ Tandingan CD ang nanguna sa OPM charts pero foreign artists ang namayani sa overall list this week.

Mukhang nagbabakasyon na ang fans nina Daniel Padilla at Enrique Gil dahil wala sa listahan ng best sellers ang mga album ng dalawang magkaribal. Lalo na sa isang linggo, dahil Holy Week na at pawang mga soft music at mga praise album ang in demand.

The month of May promises to be a more exciting period for Pinoy music artists.

vuukle comment

ANG ACOUSTIC NOEL

CENTER

CESAR MILAN

DYESEBEL

KAMBAL SIRENA

SAM PINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with