^

Pang Movies

Dahil sa nawalang lisensiya ni Hayden Dr. Vicki Belo hindi pa kayang harapin si Sen. Bong kahit magho-Holy Land ng sabay

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakasuporta ang mag-inang Dr. Vicki Belo at Cristalle Henares sa book-signing event ni Edward Mendez na Your Dream Body Come True na ginawa last Saturday sa National Bookstore, Glorietta 2, Makati City. Hindi pa rin kasi mawala-wala ang tsismis kina Belo at Mendez pero itinanggi ito ng model-actor/fitness specialist nang maging makausap.

“No. Walang kaming romantic relationship but we love each other as family and she’s one of my dearest best friends! Hahaha! Kaya you know, we’re friends until now,” katuwiran ni Edward.

Official Sexy Solutions fitness consultant si Edward na gaya ni Dr. Belo ay mahilig din sa fitness bago magkaroon ng Belo empire.

“Nakita niya kasi ang resulta ng program na ito sa ibang tao kaya lalo siyang naengganyo,” sabi pa ng actor-model.

Unang ni-launch ang book last Jan. 8 sa bahay ni Dr. Vicki at sa book-signing, ipinakita ni Edward ang lumang pictures niyang mataba, mahaba ang buhok, at mukhang sanggano.

Pero ngayon, dahil sa advocacy niyang Eat More, Exercise Less, kanasa-nasa na ang katawan ni Edward hindi lang nina AiAi delas Alas at Marian Rivera na nakasama niya sa movie na Kung Fu Divas kundi pati na mga socialite, huh!

Hindi nakaligtas sa book-signing si Dr. Vicki Belo sa media upang malaman ang kaganapan sa kanyang personal na buhay ngayon lalo na kay Hayden Kho, Jr. Ipinagmalaki niya sa interview ang malaking pagbabago ni Hayden.

“Hindi naman siya preacher na talk nang talk. Basta nakikita mo na nagbabago ang buhay niya. Masaya siya. So, parang naiinggit ako. Hahaha! Teka nga muna, parang naiiwan ako!

“So, nagpa-follow ako because of that. Hindi naman niya ako ini-influence. Pero lagi kong nakikitang nagbago siya. Lagi ko siyang nagkikita na nagdarasal. At saka excited siya. Hindi ‘yung dasal na for show kasi nag-iisa lang naman siyang nagdarasal.

“Saka iba ’yung aura niya. Sobrang maligaya. Sobrang saya na ako na rin, gusto ko rin! Hahaha! Nadadala na lang ako,” pahayag ni Dr. Vicki.

Kadarating lang nilang dalawa mula sa Washington, DC, sa Amerika upang dumalo sa National Day of Prayer. Present din sa okasyon si US President Barrack Obama na ilang dipa lang ang layo nila.

Sa gagawing biyahe nila sa Holy Land, makakasama pala nila ni Hayden sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado. Hindi niya inakala na makakasama niya ang senador-aktor na naging tagapagtanggol ni Katrina Halili noong kasagsagan ng isyu sa sex video nila ng dating boyfriend.

“For me that was challenging. Kasi ’yung nangyari na ’yon, sobrang sakit sa akin. Masakit sa akin the way Hayden was treated there. Kasi hindi naman matter of national importance ’yung nangyari kay Hayden eh. I still really feel bad about it. Nawalan siya ng lisensiya dahil doon.

“’Tapos now we’re going to Holy Land with this person. Parang…I have not forgiven! I want him to get his license back!

“Now I am going to the Holy Land… parang hirap na hirap ako! It’s a test of the Lord and a test of sincerity,” pahayag ng celebrity doc.

Dahil doon, naisip daw niyang umatras na lang.

“I wanted to back out. But I prayed and prayed about it. Sabi ko, bakit naman ako magba-backout? Gusto ko talagang sumama, ’di ba? Gusto ko dahil Bible-related ang pagpunta namin doon.

“As a person I am not ready but I know Jesus will give us grace to be ready. I am just hoping that there is a reason behind it. But it’s gonna be hard. Hahaha!” paliwanag ni Dr. Vicki.

 

                                                             

AKO

DR. VICKI

DR. VICKI BELO

HAHAHA

HAYDEN

HOLY LAND

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with