^

Pang Movies

Alden na-tense sa komprontasyon kay Jaclyn

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mababasa sa Twitter na gabi-gabi ay kinikilig ang mga nanonood ng Carmela (Ang Pinakagamagandang Babae sa Mundong Ibabaw) sa mga kulitang scene nina Marian Rivera at Alden Richards. Pero hindi pa rin mawawala ang mga basher na nagsasabing wala raw chemistry ang dalawang mahuhusay na artista. 

Kaya iyon ang sinabi namin kay Alden nang bumisita kami sa set nila sa Malolos City in Bulacan. Say na lamang ni Alden, siguro raw ay wala na lamang masabi ang mga basher pero mas naniniwala naman at nagpapasalamat siya sa mga bumabati at nakakagusto ng mga eksena nila ni Yan (Marian).

Aminado si Alden na lagi siyang naghahanda sa mga eksenang kasama niya si Marian at si Jaclyn Jose na gumaganap na very insecure mom niya sa story. Sa ngayon daw ay mga light scene pa ang mga ginagawa nila ni Marian pero naikuwento niya ang isang intense confrontation scene nila ni Jaclyn, na nang matapos niyang basahin ang script, sinabi raw nito sa kanya na kalimutan niya ang script at magbatuhan na lamang sila ng dialogue. Na-tense raw siya pero challenged.

Ang husay daw ni Jaclyn at kailangang sabayan niya iyon kaya natuwa siya nang purihin siya nito after ng tuhog na eksena na nagawa niyang i-deliver ang acting na gusto ni Jaclyn na tungkol sa love and respect ng isang anak sa kanyang ina.

Ngayon ang pinaghahandaan naman ni Alden ay ang galit ni Carmela sa kanya dahil nalaman nitong nagsinungaling siya at inilihim na apo siya ni Fernando (Roi Vinzon). Malaki ang galit ni Carmela sa kanyang lolo na siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. 

Biro ni Alden, ready daw siyang tanggapin ang mga sampal ni Carmela sa mga susunod na gabi sa linggong ito na mapapanood ang soap after ng Kambal Sirena.

Direk Dom takot maging digital at mawala na ang TV industry

Ikinagulat pala ni Direk Dominic Zapata ang nabalita na ika-cut short ang dinidirek niyang Carmela. Ang alam daw niya, ibang soap ang hindi magtatagal sa ere, hindi ang sa kanila. Sixteen weeks pa rin ang alam niyang itatagal ng soap nina Marian Rivera at Alden Richards. 

For almost 20 years ay patuloy na gumagawa si Direk Dom ng mga TV series pero bakit inspired pa rin siyang magtrabaho kahit halos wala siyang pahinga? Inamin niyang inspired siya out of fear na baka mawala na ang TV industry. Una kasing nabalita na gaga­win na itong digital kaya paano na ang mga tao sa production, mawawalan na ba sila ng trabaho?  

Nagpasalamat siya nang hindi nag-succeed ang planong iyon kaya ngayon ay patuloy siyang inspirado kahit nagpupuyat sila sa taping ng mga soap. 

Natawa si Direk Dom nang sabihin naming mag-spoiler siya ng mga mangyayari pa sa Carmela. May malaki raw revelation na magaganap sa linggong ito at abangan ang mahusay na ac­ting ni Agot Isidro na gumaganap na Amanda, ang nawalay na ina ni Carmela. May masasaktan, na tiyak na ikari-react ng mga televiewer.

 

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

CARMELA

DIREK DOM

JACLYN

MARIAN RIVERA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with