‘Suwerte ako kay Luis’ - Angel
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 8, 2014 - 12:00am

Kapag hindi rin lang abala sa kanyang commitment si Angel Locsin ay isinasama ito ni Luis Manzano para dumalaw sa kanyang pamilya. Magkasundo naman ang nobya ng aktor at si Gov. Vilma Santos na kahit noong bago pa silang nagkahiwalay ay tuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa.

Ayon kay Angel, dama niya ang pagiging tunay na ina ni Gov. Vi sa kanya at nagbibigay ng magagandang payo lalo na sa kanyang buhay-artista.

‘‘Ang sweet-sweet talaga niya at napakabait na tao. Kaya suwerte ko talaga kapag nagkatuluyan kami ni Luis,” bulalas ni Angel.

Sa kabilang banda, tanggap na tanggap naman ni Gov. Vi si Angel para sa anak dahil mabait ito at masikap sa buhay.

‘‘Pareho silang masipag ng anak ko kaya magiging matatag ang kanilang kinabukasan,” sabi ng actress-politician.

 

Louise kabado pa rin sa pagiging sirena

Palabas na ngayong Marso 10 ang Kambal Sirena na tatampukan ni Louise delos Reyes. Ginamitan ito ng magagandang costumes at outstanding visual effects lalo na sa mga underwater scene.

Ayon kay Louise, kinakabahan siya bilang sirena. Sinabi nito na malaking bentahe ang pagiging orihinal ng konsepto ng teleserye na sinulat ni Dode Cruz.

Makakatambal ni Louise si Aljur Abrenica bilang si Kevin, na anak ng character ni Lotlot de Leon.

ALJUR ABRENICA ANGEL LOCSIN AYON DODE CRUZ GINAMITAN KAMBAL SIRENA KAPAG LUIS MANZANO VILMA SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with