_pang-masa
^

Pang Movies

Julia nag-react sa pagiging suporta kina Coco at Kim

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa grand presscon ng Ikaw Lamang last Wednesday night ay nagbigay ng pahayag si Julia Montes tungkol sa reactions umano ng mga fans nila ni Coco Martin na suporta na lang siya ngayon sa aktor at sa bagong team-up nga nito with Kim Chiu.

“Ako po, para sa akin, wala naman ‘yung term na bida, bida-kontrabida or kontrabida. Para sa akin, makasama sila, honored na po ako do’n at napasama sa ganito kagandang proyekto.

“Para sa akin, ang maipa-pramis ko lang sa inyo, kung kaninuman po ito iaalok, siguradong hindi rin magdadalawang-isip.

“So, on my part po, malaman ko lang na ito ang project, siguradong go na po ako at makasama ko ang mga ganito kagagaling, sino po ba ang hihindi.

“So, ayun po, masaya ako na maging part ng Ikaw Lamang,” say ni Julia.

Ayon naman sa Dreamscape Productions people, sinisigurado naman nilang hindi basta support lang si Julia sa serye dahil napakaganda ng young actress in this series. Luma-love triangle siya kina Kim and Coco at may layers ang kanyang karakter.

Say nga ni Julia, sigurado raw matutuwa ang mga fans din naman niya at lahat ng manonood dahil kakaibang karakter naman daw ang makikita sa kanila.

Magsisimula na sa March 10 ang Ikaw Lamang at kasama rin dito si Jake Cuenca, Angel Aquino, Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez, John Estrada, Ronnie Lazaro, Cherry Pie Picache, Cherrie Gil, Lester Llansang, Meryll Soriano, mga child stars na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Al­yanna Angeles, and Louise Abuel.

Richard aminadong mas tumibay na ang relasyon nila ni Sarah matapos ang mga problema

Masayang-masaya si Richard Gutierrez na nagkaayos na ang kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati at ang GMA Films President na si Annette Gozon-Abrogar.

Sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez kahapon, aminado ang aktor na talagang answered prayer ang pagkakaayos nina Sarah at Annette.

“I’m happy na tapos na ang gulo and finally, they forgave each other, kung anuman ang napagdaanan nilang dalawa, alam kong hindi naging madali for both parties.

“Kung anuman ang napagdaanan, kung anuman ang mga nasabi, at least, nagkaroon ng forgiveness and we can all move on with our lives.

“And you know, I’m very happy kasi pinag-usapan din namin ni Sarah na to begin with this year, gusto namin na we can start the year, clean-slate, walang problema. Nangyari na ‘yun. Answered prayer, so I’m very happy,” say ni Chard.

Ayon sa aktor, nakakapagod din daw ‘yung pabalik-balik sa court and there was so much negative energy.

“And we just wanted to start the year positive, and napag-usapan namin na kung pwedeng tapusin na ang problema, tapusin na para pare-parehong makapagtrabaho nang mapayapa,” he said.

When asked kung may plano na ba sila to tie the knot, ani Chard ay napakarami pa raw nilang plano at gustong gawin lalo na ngayong kakatapos lang ng kaso ni Sarah.

“So, one step at a time,” he said.

Kinumpirma rin ng aktor na hindi totoong secretly married na sila. Basta ang masasabi lang daw niya, ngayon ay mas strong na ang relationship nila dahil na rin sa mga pagsubok na dumaan sa kanila.

Samantala, tuloy na tuloy na ang production ng It Takes Gutz to be a Gutierrez and in fact, nagsimula na silang mag-roll dito sa ‘Pinas. For the most part of the show ay magku-cruise sila sa iba’t ibang parts ng Asia.

Mapapanood sa latter part ng 2014 ang show sa E! Channel mula sa direksyon ni Mike Carandang.

ANGEL AQUINO ANNETTE GOZON-ABROGAR AYON CHERRIE GIL CHERRY PIE PICACHE DREAMSCAPE PRODUCTIONS IKAW LAMANG IT TAKES GUTZ JULIA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with