Career ni Julia Montes apektado kay Julia Barretto

Vir Gonzales (Pang-masa) - March 6, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi sinasadya pero kapangalan pa ni Julia Montes ang bagong bini-build up ng ABS-CBN ngayong si Julia Barretto. Malaki ang epekto nito kay Julia M. Unti-unti na sanang umaakyat ang pangalang Julia Montes pero biglang inaabutan siya ng dalagitang galing sa angkan ng mga Barretto.

Ngunit hindi naman patatalbog si Julia M. Buti na lang at may project siya ngayon dahil kinuha siya uli ni Coco Martin bilang kapareha sa Ikaw Lamang. Magaling umarte si Julia M. at bagay na hindi pa napapatunayan ni Julia B.

Magkakasubukan ang dalawa kung sino ba ang higit na magaling sa aktingan kung papasok na ang Mira Bella ni Julia B. Hindi naman puwede sa showbiz na maganda ka lang.

Lovely Rivero tapos na sa kaiikot sa Pilipinas

Masaya si Lovely Rivero ngayon kasi kasali siya sa Innamorata ng GMA 7. Si Lovely ang kumupkop sa karakter na ginagampanan ni Max Collins noong bata pa ito dahil inaapi-api sa karamdaman niya sa balat. Matagal-tagal ding hindi napanood si Lovely dahil naging busy sa kanyang negosyo.

May TV show siya noon about traveling sa PTV 4. Kung saan-saang lugar sila nakarating para ipakita ang kagandahan ng mga tanawin sa Pilipinas. Pero ngayon ay balik-drama si Lovely.

Rajah Montero pinananabikan na uling makita

   Ibang klaseng kamandag mayroon si Venus, ang character naman ng aktres na si Rajah Montero sa pelikulang Kamandag ni Venus. Pinag-aawayan siya nina Leandro Baldemor at Jao Mapa.

Marami ang nananabik na makitang muli ang dating diyosa ng mga bold star. Mabuti at sa kabila ng maraming artistang kinokonsidera para sa naturang papel ay sadyang kay Rajah napunta ang role.

Sa March 10, personal siyang sasalubong sa mga manonood sa premiere night ng indie film na produced ng Teknikolour Philippines sa SM North Edsa sa ganap na alas-siyete ng gabi.

Bukod kay Rajah, kasama rin si Sharmaine Arnaiz sa pelikula.

Tsika pala ng sales manager na si Vic Martinez, hindi pa man naipapalabas ang indie movie ay marami na silang booking.

                            

 

COCO MARTIN IKAW LAMANG JAO MAPA JULIA JULIA B JULIA M JULIA MONTES LOVELY RIVERO RAJAH MONTERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with